Sa kasalukuyan, (Dec 2006) Isa akong normal na tao. Medyo malnourished nga lang. Asar takte kasi pagkumakain ako pisngi ko lang ang tumataba. Ayos lang yun, kaya lang nakakabadtrip lang talaga kasi secondarily lahat ng nagkakagusto sakin nilalayuan ko kasi pakiramdam ko pedophile lang talaga sila, at primarily kasi lagi akong nababangga sa daan kasi below eye-level ako. Sana pala kinain ko nalang yung pagkain nung bata ako imbis na flinush ko sa toilet. Hehe.


Crush na crush ko yung kolektor ng bayad tuwing ala-singko ng hapon hanggang alas nuebe ng gabi sa may terminal papuntang tumana. Gusto ko siyang bigyan ng pisbol, pero torpe ako. Araw-araw bumibili ako ng dalawang tuhog ng pisbol, at araw-araw akong kumakain ako ng dalawang tuhog ng pisbol na masama loob sa sarili ko kasi dapat isa lang. Kamakailan nga pala nalaman ko na ang palayaw niya ay Boni. Siguro malamang Bonifacio yung buong pangalan niya. 


Ito ang mga pictures ko, para sakaling makita mo ko sa daan (muka akong nawawalang bata), maari mo akong ngitian. Kung sakali, ngingitian din kita. (^_~)


Lokasyon: Sa loob ng kahon na 2 x 3 x 6 dangkal3
Okupasyon: Batang biniktima ng programmang nakasanayan na
Kaarawan: Ika-30 ng Abril, 1989
Paboritong kulay:
67A12D
Imeyl: x5kl3r4@yahoo.com
          pugski@gmail.com

Balik.|.Sunod