Mahilig magsulat ang nag-akda nito simula bata pa siya. Wala lang. Nakakatuwa lang siguro. Pero ambaduy talaga ng blog eh. Haha, eniwey. Nagsimula gumawa ng mga websayt ang may-akda nung nasa ika-limang baitang siya sa elementariya, labing-isang taong (2000) gulang palang siya. Pero siempre, lahat ng tao nagbabago, lahat ng nasa utak ng tao ay nagbabago, kasi, masakit mang isipin, ganun talaga ang sistema ng buhay [Postulate 1]. Nung nasa ikalawang taon siya ng hayskul (2004) nauso ang Friendster at sobrang taas ng lebel ng kanyang endorphins sa katawan kaya sobrang naganahan siyang magtayo ng websayt muli tungkol sa mga pagmumuni-muni niya tungkol sa mga bagay na wala naman talaga siyang kaalam-alam. Kasi pagbata ka, ganun talaga, wala kang alam sa mundo, bobo ka, pero feeling mo baliktad. [Postulate2] Ganun talaga pag hayskul ka, laging may hormonal imbalance sa katawan [Postulate 3].


Pumatok itong websayt na ito sa maraming tao, at siyempre, masaya ang dinulot ng tadhana [Theorem 1]. Ngunit nangyari na nga ang inaasahan. Dahil nga, sa [Postulate 1] natin kanina, dinelete ng gumawa ang kanyang websayt nung summer bago mag-3rd year, dahil wala lang, trip niya lang eh, pero malamang sanhi ito nang kumbinasyon ngpostulate 1,2 at 3. Matapos siyang bigyan ng pang 111th testimonial noon, awa ng Diyos, dinelete niya rin ang kanyang Friendster, na malamang sanhi din nang mga naturang postulates.


Salamat sa lahat ng tumangkilik noon, sa mga nag-sign ng gestbuk noon, at nag-imeyl, gumawa ng testi. Salamat sa lahat ng pagmamahal. (^_^) [Corollary ng Theorem 1]


Ang nasa websayt na ito ay ilan (hindi lahat nandito, mga 40% lang) sa mga nakalagay sa websayt noon, at mga iilang dagdag na bago. Ginawa niya ito, para maalala niya ang kanyang mga pinag-daanan. Kung saan niya nagmula, kung pano ang pagkatao niya dati, kung sino siya ngayon, at kung saan siya patungo. Para hindi niya makalimutan. Naminsa’y makulay ang buhay niya, kahit nagmuka siyang timang. Haha.



 

Dito sa bahaging ito matatagpuan ang mapait na ala-ala ng nakaraan. Mga screenshots ng mga naging disenyo ng lay-out nung mga naturang mapapait na ala-ala ng nakaraan. Tangina ang drama.


Balik.|.Sunod


** Hindi nga pala ito ang lahat ng disenyo, ito lang yung mga nahalungkat ko.