Waw, kulay Red.
SATURDAY, JULY 09, 2005, 8:00:28 PM


Nakita ko si Sir sa front lob bago umalis sa skwela.


"Hi Sir. Kamusta na po?"


"Lita, grabe papayat ka nang papayat every time I see you, parang konting ihip lang ng hangin matutumba ka na."


"Kahit nga walang hangin eh."


"Balita ko nag-seself mutilate ka raw, totoo ba?"


"hindi."


"Bakit mo ginagawa yun?"


"E kasi hindi naman masakit eh."


"Actually narinig ko sa guidance eh. Bakit mo naman ginagawa yun? Di ka ba maiinis lang kasi hindi ka maiintindihan ng ibang tao? Pag-yung girlfriend ko ayoko nagseself-mutilate siya."


"Eh kasi sabi sakin nang kaibigan ko 'Litz, kaya mo ba' tapos sabi ko 'oo' tapos ginawa ko tapos sabi ko 'wow, kulay red'. "


"That speaks very shadily of you Litz. Nakita ba yan ng mom mo?"


"oo."


"Anong sabi niya."


"Wow, kulay red."


"haha."


"Sir, sige po alis na ako."


"Sige. Saka alagaan mo naman sarili mo Litz, ang sagwa mo nang tingnan eh."


"Wala na akong magagawa kinakain na ako nang radiation eh."


[o7.o9.2k5 || Waw, kulay red || Mithi. ] 9