Wanplaswan?.
o8.22.o4 wanplaswan


Oo. Sobrang-sabog ko ngayon. Sinimulan ko itong isulat nung nagkukunwari akong nagaaral for compsci longtest. Supposedly magsusulat ako ng bagong -about me- sa friendster, pero siempre dahil sabog-sabog ako, at sabog-sabog din ang pumapasok sa utak ko, sabog-sabog din itong kuwentong ito. Ito ang pinaka sabog-sabog na kuwentong mababasa mo sa buong buhay mo kasi halos walang ideya na nagkakabit-kabit sa bawat pangungusap dito. Ito malamang ay kaisa-isang obra na nilikha ng isang bagsak na quiz sa cad, isang bagsak na quiz sa comsci, isang bagsak na written exam sa PE, at isang babaeng sobrang tamad mag-aral at antukin na ang bagsak malamang ay impierno. At oo, nilikha lang itong kwentong ito para patawanin ka. Kaya tumawa ka. Salamat.


Isang Kuwento ng Pag-ibig.


Kung tatanungin mo ako kung bakit pula ang banana ketchup eh mas makakabuting wag nalang kasi sasabihin ko lang na mali ka sapagkat ihtim ang ketchup at hindi pula, at na niloloko ka lang ng mga mata mo at na nakakaawa ka sapagkat nagpapaloko ka naman. At kung tatanungin kita nang -w'zup- at ang isasagot mo sakin ay -the sky- eh away ang abot mo pagkat SOIL kaya ang nasa taas at ang kapal mong mag-assume na meron talagang itaas at ibaba ang buhay.


Nabubuhay tayo sa isang kalawakang walang itaas at ibaba, pagkat lahat ay walang humpay na lumulutang at umiikot (rotation, revolution, at oscillation) at nabubuo at sumasabog at nabubuo ulit at lumalaki at lumalaki ng lumalaki ng lumalaki. Kaya wala talagang karapatan ang sinumang katulad mo magsalita at umastang akala mo astig ka at na alam mo ang lahat, at na obvious ang lahat, at na tingin mo sobrang tanga ng mga nilalalang na nagtatanong ng -w'zup.?-


Lumaki tayong dalawa sa isang katotohanang pinaglaruan ang ating isipan. Minsang ding sinabi sa atin noong kinder na ang 1+1=2 para lang malaman na ito ay isang malaking kasinungalingan pagdating ng highschool, sa Philippine Science High School.


Sa Techprep, 1+1=1 pag AND gate ang pinaguusapan sa digital electronics. Sa Bio naman eh 1 rabbit + 1 rabbit = cannot be determined pag nagsexual intercourse sapagkat hindi talaga precise ang pagbabatid sa nature dito sa punto ng spasyo't oras na kinagisnan natin. Sa Physics naman eh 1 wave + 1 wave pagnagsama equals zero sa isang destructive interference dahil nagcacancel sila. At siempre sa comsci 2 naman eh 1+1= 10 sa base 2 system o binary code na nagrerepresent sa machine level code na kinakailangan din nating intindihin para maintindihan ng computer ang instruction natin sa kanya para maintindihan natin na naiintindihan niya tayo. Naiintindihan mo ba?


Maski nga dyan sa Pancake House eh 1+1=2.40 kasi may 20% service charge na.


Oo, suyang-suya na akong mag-aral. Sawang-sawa na akong matuto ng mga bagay na sa sandaling nakumbinsi na ang utak mong totoo ay babawiin bigla't malalaman mong nagpaloko ka lang.


Kaya't hindi ko maintindihan kung bakit ganun nalang ang pagtiwala ko sayo nung minsa'y sinabi mo saking mahal mo ako.


At pati narin nung sinabi mo saking pula na ulit ang ketchup at hindi na ihtim kasi't nagbago ito dahil sa tindi ng pag-ibig mo sakin. Na sinabi mo saking bumalik na ang "sky" sa itaas sapagkat hindi na dapat isipin pa ang kalawakan dahil pumutok na ito pagkat hindi nakayanan icontain ang limited space nito ang volume at mass ng nadarama mo para sakin.


Siguro nga kasi minahal din kita.


[o8.22.2k4 || Wanplaswan || Mithi. ] 10