Tulog na Insomniya.
SATURDAY, JUNE 04, 2005, 3:58:44 PM


Gigising siya nang madaling araw.


Tapos sasakay siya ng ikot jeep kasi masarap ang hangin tuwing umaga.


Tapos bababa siya sa harap ng Abelardo Hall.


Tapos dun lang siya magdamag.


Tapos bandang alasingko ng hapon tatawag sa kanya yung syota niya.


Sasabihin sa kanya, "Nasaan ka? Bakit di ka pumasok ngayon?"


Tas ang sasagutin niya, "Nandito sa harap nang Abelardo Hall."


"Bakit?"


"Para pagdumaan ka masilayan kita"


"Ano?"


"Para pagdumaan ka masilayan kita."


"Huh? Pero wala naman tayong usapan ah. Di mo naman sinabi na magkikita tayo dyan."


"Sakali lang."


Tas yung syota niya, mag-iisip nang ilang segundo.


Tas hihintayin niya lang yon habang pinapanood yung bahaghari sa kanal na hindi niya alam kung saan nanggaling. Malamang nanggaling yun sa langis na natapon.


Tas mapapansin nung syota niya yung katahimikan.


Pati na rin yung katotohanan na wala rin namang patutunguhan yung iniisip niya.


Pati narin na nag-ooverflow na yung tubig sa banyo.


Pati narin na pumapatak yung metro nang tawag niya dahil hindi na nga pala ten pesos per call sa PLDT to smart.


Saka na may nunal pala siya sa braso.


Tapos bago niya ibaba yung telepono, dahil ala narin naman talaga siyang masabi, sasabihin nalang niya,


"Ah."


[O6.o4.2k5 || Tulog na Insomnya || Mithi. ] 10