STFUV!.
STFUV Dec 2 2005


Tangina mo! At ng barkada mo.


Hindi ako pikon. Sanay ako sa pang-aalaska. Pero BASTUSAN ka. Pinahihiya mo ako sa harap ng maraming tao. Kita mong nadapa na at hindi na makabangon pa. Sagad na sagad na sa lupa. Pero sige parin, at inapak-apakan na namputa. Unti-unti narin silang nawawalan nang respeto sakin habang unti-unti narin akong nawawalan nang respeto sa sarili ako. Tarantado ka, alam kong marami akong kamalian at pagiging imperpekto. Pero tarandado, pare -pareho lang tayong tao. Sino ka para tirisin ang dignidad ko? Ano bang ginawa ko sayo?


Tangina siguro nagpapapansin ka lang sakin no? O siguro nagpapapansin ka lang sakin o baka sinusubukan mo lang itago ang katotohanan na patay na patay ka sakin at pinagpapantasyahan mo ko no? Siguro iniisip mo ko lagi no? Kaya pala lagi mo akong pinapansin. Kaya pala. Siguro nga may gusto ka lang saakin at kaya mo ako ginagago eh kasi sinusubukan mong itago kasi hindi mo matanggap. Isa kang bakla. Eh kasi sino ba namang magkakagusto sakin diba? Sino ba namang magkakagusto sa isang hamak na katulad ko lang? Kasi nakakadiri ako no? Kaya siguro di mo lang talaga matanggap na mas nakakadiri ka pang baliw na baliw sakin? Tangina mo, lubayan mo ako.


Alam kong kaya kong tapatan ang katarantaduhan mo, o higitan pa. Di mo alam kung sino ako at kung saan ako nanggaling. Wala kang karapatang manghusga at ipahiya ako . Kung nanaisin ko lang ay kaya kitang ipahiya sa harap ng maraming tao, at sa harap ng mga "kaibigan" mo. Malakas ka lang naman pagkasama mo barkada mo eh. Mag-isa, mahina ka.


Sa dalawang taong nating magkaklase, kahit papano alam ko na ang iilan sa mga baho mo. Kayang-kaya kong ipagkalat sa buong mundo na pagnakikita ko muka mo, nakaaalala ako nang puting tae. Muka ka kasing puting tae. Dati madalas mong gine-gel yung buhok mo . Siguro kaya ka nagtigil, kasi minsa'y nasabi kong nagmumuka kang rambutan. Muka ka tuloy puting taeng tinubuan ng rambutan. Mas marami ka pa ngang tagyawat kaysa sakin eh. Yung mga tagyawat mo mas mapupula't at mas malalaki pa. Minsan nga nung sinipa mo ako habang naglalakad nasuntok kita at dumugo ang muka mo.


Ginago mo ko lalo, at nagbanta ka pang magsusumbong sa ssd. Kaya tumahimik nalang ako. Ang totoo nahihirapan na talaga ako nung ipigil ang tawa ko. Natawa ako kasi kayalang naman ika'y nagdugo ay kasi pumutok ang isa sa iyong napakaraming pimples. Pero tumahimik nalang ako kasi ayaw kitang pahiyain. Nakakaawa ka eh. rofLmao. Kahit na muka kang tagyawat na tinubuan nang puting taeng pinatungan nang balat ng rambutan, kahit papano may kaunting respeto parin ako sayo.


Lagi mo nalang iniinsulto pagkababae ko? Eh bakit? Gaano ka ba ka-lalaki?


Pagnagbabasketbol ka nga at nagdidribble ka nung PE last year eh gumegewang-gewang yung balakang mo at pagnagshoshorts ka yung hita mo, sa malayo, putting-puti rin, parang inahitan kaya muka tuloy hita nang seksing babae. Pero tahimik lang ako. Kasi kahit na muka kang hita nang babaeng gumegewang-gewang na tinubuan ng tagyawat na tinubuan nang puting taeng pinatungan nang balat nang rambutan, kahit papano may respeto parin ako sayo. May respeto parin ako sayo, gago.


Naglalakad tayo noon, at ginagago niyo ako sa tangkad ko nang bigla kong sinampal ang kasama mo, tinanong niya ako kung bakit siya lang at hindi pati ikaw, at ngumiti lang ako.


Nanahimik ako kahit na kating-kati nakong ipahiya kang sinasabing kasi ayokong langisan ang kamay ko.


Tangina yang langis nang muka mo, sobra pa sa kinakailangan upang makapagprito ng 6.03 X 10^23 na itlog. Pero nanahimik nalang ako, kasi kahit na pagewang-gewang ang balakang mo (pagnagdidribol) na nakakabit sa seksi mong hitang tinubuan ng tagyawat na tinubuan nang puting taeng pinatungan nang rambutan at na puwede ka nang gumawa nang oil machine gun sa isang minutong di ka nang punas nang muka, may respeto parin ako sayo . May respeto parin ako sayo, Gago.


Hindi ko hihigitan, sumbatan, gantihan ang mga panggagago mo sakin, dahil ayokong ilugar ang sarili ko sa posisyong kasimbaba ng iyo. Kaya ayaw kitang patulan.


Hindi ba't naging magkaibigan naman tayo kahit papano nung nakaraang taon? At hindi ko alam kung bakit ka biglang nagbago. Sayang, gusto pa naman sana kitang maging kaibigan. Sayang, may itsura ka pa naman at matalino ka pa naman, at ampogi pa nang ngiti mo. Pero dahil sa ugali mo, nagmumuka ka tuloy puting tae. Puting tae with all the extensions. Nakakatamad ulitin eh.


Hindi kita pinapatulan sa kasalukuyan kasi hindi pa talaga ako napupuno sayo. Hindi kita papatulan sa hinaharap dahil ayoko na umapak nang tao. Ayoko umapak ng tao para lamang takpan ang pagiging mahina ko. Hinahayaan ko nalang muna. Kawawa ka naman kasi eh.


Pero sa totoo lang, hindi kita pinapatulan kasi pinahiram mo ako nang sci-cal nung nagloko yung akin sa kalagitnaan ng physics longtest. Pinahiram mo sakin, kahit na bawal at isisingko ka pag nahuli ka. Nalaman ko kasing kahit papano, nandyan parin nakatago kahit na maliit na maliit nalang, yung parte mo na nagustuhan ko at naging kaibigan ko. Kasi kahit papano umaasa parin ako na babalik yung dating ikaw na naging kaibigan ko noon at iyong kaibigan kong naging masaya akong kasama. Pero medyo mukang sobrang malabo na iyon. Sayang.


Tangina, magtigil ka na nga, gago.


[12.o2.2k5 || STFUV || Mithi. ] 8.75