Pure Fiction II.
9DEC192k6



Tiningnan niya ang sarili niya sa salamin. Simple lang ang suot niya. Naka tie-dye siya na bistida na kulay red. Naka-maong na flare pants siya sa loob. Wala siyang hikaw. Wala siyang kwintas. Wala siya porselas. Wala siyang anumang borloloy. Wala siyang make-up, nagpa-blow dry lang siya ng buhok. 99.99 pesos sa reyes haircutters.


Alam niyang hindi siya kasing ganda ng ibang babae. Wala siyang boobs eh. Wala rin siyang balakang. Hindi rin siya matangkad, at medyo patpatin siya. Pero natutuwa siya kasi mas cute siya ngayon kesa sa kanyang ordinaryong itsura.


Pumunta siya sa isang party. Pero hindi siya masyado nag-enjoy. Hindi kasi siya masyado social eh, mahiyain kasi. Hindi naman siya ganun dati eh. Hindi niya alam kung bakit siya nagkaganito.


Uuwi na siya. May curfew kasi siya eh. Alas Nuebe. Alas–ocho y Medya na. Kaya napilitan siyang magtaxi.


Hindi niya na maalala ang lahat. Hindi niya maalala yung muka ng drayber. Hindi niya maalala yung kubre-silya ng mga upuan ng taxi. Hindi niya maalala ang plate number. Siguro, mahirap talagang alalahanin.


“Sa may U.P Campus po pwede?”


Umupo siya sa harapan.


“Saan mo gusto dumaan?”


“Hehe. Hindi ko po kasi alam daan dito eh. Hindi po kasi ako taga-dito. Kayo na po bahala, basta hindi masyadong trapik hehe..”


“Sa U.P na nag-aaral?” Sabi ng Drayber.


“Opo. Hehe.Bakit po? Hehe.” Sabi niya, kahit ang totoo hindi naman talaga siya dun nag-aaral.


“Kala ko kasi taga-ateneo ka eh, beauty mo kasi pang-ateneo eh”


“Hah? Hehe. Ganun po ba? Hehe. Nakikita mo ba yun? Hehe. Ano bang pagkakaiba ng itsurang U.P. sa itsurang Ateneo? Hehe”


“Ang ganda mo kasi eh. Pang-starstruck. Puwede ka sumali sa starstruck..”


Namula yung babae.


“Naku po. Hehe. Binibiro niyo naman ako kuya! Hehe. Hindi niyo naman po ako kailangang biruin, hehe.”


“Hindi kita binibiro.. Pang-starstuck ka talaga.. Ang ganda-ganda mo eh, madami ka sigurong manliligaw no?”


“Kayo naman kuya o, Haha, sa buong buhay ko ngayon lang ako sinabihan na puwede akong pang-starstruck. Hehe. Nakakatuwa naman po pala kayo eh. Hahaha. Hehe”


“Akala ko nga masungit ka eh nung nakita kita, pero ngayong nakausap na kita mabait ka naman pala”


Nagulat yung babae, nung hinablot nung drayber yung muka nya at nilingon sa direction niya.


“Oo, ang ganda mo talaga, ano pangalan mo?”


Nataranta yung babae.


”Ah eh. Ano po Mikssy po hehe..”


Tinanggal niya yung kamay nung drayber sa muka niya gamit yung kamay niya. Yung drayber naman hinaplos yung kamay niya. Mas lalong nataranta si Mikssy. Inalis niya yung kamay nung drayber kasi kunwari may hinahanap siya sa bag niya kaya kailangan niya yung kamay niya.


”Ano nikki?”


“Hah? Eh. Hehe.. Opo, Nikki po, Hehehehe, kayo ho?”


“Johnny”


Kunwari sobrang abalang abala siya sa pagkukutkot ng bag niya. Sobrang konsentrasyon niya sa bag niya. Ang titig niya sa bag niya.


“Nikki, o kitam pati pangalan mo pang-starstuck talaga..”


“Nikki may boypren ka na?”


“Hah, wala po. Hahahaha. Istadies muna. Hehehe.”


Kinakalikot niya pa rin yung bag niya. Hinablot nung drayber yung kamay niya ulit. Tapos hinimas-himas. Sinarado ni Mikssy yung kanyang palad. Hawak nya ng maigi yung dalawang singkwenta niya sa kamay. Naninigas yung buong katawan niya.


“Pero nagkaboypren ka na? Wag mo na ikahiya sakin..”


“Hehe.” Sabi ni mikssy “teka ho yung singkwenta ko ho, hehe”


Inaalis niya yung kamay niya sa higpit nung drayber.


“Bitawan mo na yan lagay mo sa bag mo.”


“Hindi ko kaya kuya. Hehe, madalas po kasi ako nanakawan kaya ayaw ko po bitawan pera ko hehe. Hindi ko ho kayang bitawan eh pasensya na ho. hahaha”


Tanginang pilit na tawa yan.


Biglang hinablot nung drayber yung kanang balikan niya at nabigla si Mikssy nung yung muka niya nakasubsob na sa dibdib ni Johny.


“Hehe. Nagkaboypren na po ako, pero matagal na po hehehe, matagal na yon”


Tangina sorry hindi ko na matuloy ng maayos yung kwento. Ang hirap pala magkwento sa ganitong istilo. Hindi na ako sanay takte basta ganito yung nangyari. Kunwari ako nalang si Mikssy at si Mikkssy ay ako. Para mas madali.


Basta tinanong niya ako kung nagkaboypren na ako. Sabi ko matagal na eh. Hehe. Puro ako hehe, at haha. At hehe. Hindi ko alam kung bakit. Ganun lang siguro talaga reflex ko pagkinakabahan.


Akala ko naghahanap lang siya nang kausap. At sadyang malambing lang talaga siya. So bale nagbukas naman ako. Sabi ko ang hirap kasi eh. Ang hirap kasi hindi pa ako masyado sigurado sa sarili ko. Feeling ko kasi lahat ng babae mas maganda sakin. Napagnagkasyota ako madali lang akong pagsasawaan.


Sabi niya “bali wala kang boypren ngayon?”


Wala. Bata pa ako. Hehe. Hindi muna ako magkakaboypren. Ayoko pa. Hindi pa kaya ng utak ko.


“Nagsex na ba kayo ng boypren mo?”


Hindi pa. Hehe. Bata pa ako eh. Hehehe.


“Hanggang kiss lang?”


Oo hehe, sabi ko. Khit sa totoo lang hindi. Haha. Wala pa akong nagiging boypren. At hindi pa ako nakakapaghalikan. Sa sobrang kinakabahan ako, na naging pangalan ko ay Nikki at nagkaboypren na ako, at nakapaghalikan na ako bigla.


Buong time sinusubukan niya akong ilapit sa dibdib niya. Hinahawakan niya yung muka ko. At ang nasasabi ko lang:


“Wag niyo po ako hawakan sa muka, kasi po hehe, sensitive skin ko, magkakapimples ako kaagad hehe.”


“Nakalipstick ka ba?”


“Hindi po. Hehe”


Tapos paghinahawakan niya yung kamay ko kunwari nagring bigla yung cellphone ko at kailangan kong sagutin.


Tapos mamaya bumigay na ako. At hinayaan ko nalang na hawakan niya yung kamay ko.


Sabi niya i-try ko yung sex. Magugustuhan ko raw. Pagnaranasan ko raw. Hahanap-hanapin ko yun.


Alam ko dapat bumaba na ako sa puntong ito kaso pakiramdam ko kasi mahirap makanap ng taxi ulit at sayang sa pera. At saka hindi ako aabot sa curfew ko.


Sabi ko bata pa ako, hehe.


Tinanong niya kung ilan taon nako.


Sabi ko diyes sais. Kahit hindi naman.


Sabi niya, akala niya dose palang ako eh.


Sabi ko, oo nga hehe. Muka nga akong dose. Hehe.


Sabi niya, ang sarap mo sigurong ka-sex.


Hinawa yung tyan ko. Reflex action ko “Wag po, Hehe. Nakakakiliti eh hehe.”


Binulong niya sa sarili niya “Ang tigas”


Iniba ko nalang yung topic, sabi ko magkano po kita niyo sa isang araw. Sabi niya 2,500. Sabi ko, waw, hehe. Yung mga ibang taxi driver na naka-usap ko 500 lang.


Pakiss, sabi niya. At oo, hinawakan niya ulit yung muka ko at hinarap sa kanya. Direktang direkta yung mata ko sa mata niya. Ngayon ko lang nakita yung mga mata niya. Nakakakilabot. Nanlilisik. Nakakagimbal.


Sabi ko, wag na po, hehe. Next time nalang. Hehe.


Sabi niya, sige na, hindi naman sa lips eh.


Siempre, tinaasan ako ng balahibo. Sana sa pisngi lang yung tinutukoy niya.


Kung gusto ko raw, habang wala pa akong boypren siya na muna kunwari boypren ko. Isipin ko nalang daw parang kuya, na tatay na boypren. Kung wala raw akong pera, puwede raw ako humingi sa kanya anytime.


Natakot ako kung anong gagawin niya kung tumanggi ako. Kaya sabi ko nalang Hehe, okay. Nandun na kami sa may oblation.


100 na ang metro.


Sabi ko sorry po, dito nalang ako. Di kakayanin po kasi ng wallet ko eh. Isang daan nalang po kasi pera ko.


Isanlibo dala ko nun.


Sabi niya, ayos lang yun. Wag na ako magbayad.


Ambilis kasi eh. Di ko namalayan na pinasok niya yung kamay niya sa loob ng bra ko. Siempre reflex ko eh siempre tanggalin. Sabi ko, malapit na naman eh. Ilang segundo nalang nasa Vinzon’s na. Kaya ko pa tong tiisin.


Narinig mo na to dati eh. Sabi ko “Wag po, hehe. Nakakakiliti po kasi eh hehe.”


Sabay tawa. Tumawa ako ng tumawa kasi hindi ko alam kung anong gagawin. Isang typical na pilipino.


Sabi niya, Taena, ang lakas ng kiliti mo.


Sabi niya,ayusin ko raw sarili ko, baka anong akalain ng ibang tao, isipin na nirarape niya ako.


Tawa ako ng tawa, kasi hindi ko alam kung anong gagawin ko. Gusto ko bumaba at tumakbo pero walang tao sa kalye. Kung tumakbo ako mahahabol niya lang ako. At wala rin naman akong matakbuhan eh. So tumawa nalang ako ng tumawa. Bakit ambagal ng panahon.


Sabi niya, ang liit.


Sabi niya, hinihimas-himas yan ng boypren mo ano.


Sabi ko, hindi po, hanggang holding hands lang po kami.


Sabi niya, so bale ako unang nakahawak ng dede mo?


Gumagapang yung kamay niya sa hita ko pataas.


Oo. Alam mo na.


“Sabi ko, wag po!hehe. Nakakakiliti kasi eh hehe”


Sabi niya, yung mga malalakas kiliti yun daw yung malilibog.


Sabi ko, a ganun ba hehe.


Sabi niya, sabi niya mabuhok ba pekpek mo?


Sabi ko, ah eh… ano po?


Sabi niya mabuhok ba pekpek mo?


Sabi ko, hindi ko alam! Hehe.


Sabi niya, sigurado ka hindi ka pa nakakatikim ng sex?


Sabi ko, oo eh. Ayoko po. Bata pa ako.


Sabi niya.. dapat i-try ko, para daw pagmay totoong minamahal na ko, hindi ako mapapahiya.


Sabi ko, hehe. Hindi na po, istadis muna, Hehe. Bata pa ako.


Sabi niya, hindi ka na bata may mga nakakasex ako mga katorse palang eh.


Sabi ko, eh kasi mature-minded na sila eh. Hehe. Ako kasi batang-isip pa eh. Hehe.


Sinusubukan niya na naman akong himasin, nilalayo ko nalang yung kamay niya kunwari nakikiliti ako ng todo-todo.


Sabi niya, gusto mo sex tayo.


Sabi ko, wag na po, hehe.


Sabi niya, wag ka mag-alala, di naman kita bubuntisin eh. Subukan mo lang, pagsinubukan mo hahanap-hanapin mo yun. Kung dilaan ko yung pekpek mo, tingnan natin kung hindi ka masasarapan.


Sabi ko, hehe, wag na po, baka maadik ako, hehe. Mahirap na istadis muna. Hehe.


Tangina.


Sabi niya, mas lalo ka gaganahang mag-aral nun.


Sabi niya, ang sarap mo siguro ilandi sa kama, nakakatuwa siguro kasi ang lakas nang kiliti mo, naiimagine ko, ang sarap mo siguro.


Sabi niya, anong number ko, minsan daw nood daw kami ng pelikula.


Sabi ko, sige po next time po, hehe.


Sabi niya, next time wag kang uupo sa harap katabi ng taxi driver. Dapat lagi sa likod pag sumasakay ka ng taxi, kung hindi ka sakin sasakay. Baka anong mangyari sayo. Andami pa namang manyak na taxi driver.


Sabi ko, o sige po, hehe, next time po, hehe.


Yes. Nasa Vinzon’s na ako, awa ng Diyos.


Dito na po ako, sabi ko.


Teka, itatabi lang natin ng kaunti, sabi niya.


Sabi ko, hindi ayos na po talaga dito, hehe.


Sabi niya, Wag kang mag-ahit ng pekpek para malambot pagdinilaan ko.


Sabi ko, ah, talaga po, hehe, okay.


Pinagpapawisan na ako nito. Aircon tapos pinapawisan.


Sabi niya, tangina, libog na libog ako sayo.


Tapos kinuha niya yung kamay ko at nilagay sa pagitan ng legs niya.


Sabi niya, tangina libog na libog ako sayo, hawakan mo.


Sabi ko, hindi na po, hehe, next time nalang po, hehe.


Siyempre lumabas na ako ng taxi kaagad. Hindi na ako nakapagbayad. Nakalimutan ko eh. At tumakbo na ako palayo. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko maintindihan ko kung pano nasisikmura mag-“Haha” at “Hehe” sa sitwasyong yun. Ngayon binabasa ko itong sinusulat ko natatawa ako. Nakakatawa eh. Pero sa sitwasyong iyon sobrang kinakabahan ako at hindi ko alam kung anong gagawin. Hindi ko alam kung makekwento ko ba ito sa ibang tao. Kung anong iisipin nila.


Sabi ko, wag nalang. Hindi naman ito mahalaga eh.


Iniisip ko yung mga panahon na nakalibre akong sakay sa mga jeep at taxi dati. Niloloko nila ako kasi ang ganda ko raw kasi. At ako ngiti-ngiti lang, at nagpapasalamat. Iniisip ko yung mga panahon na hinihingi yung number ko sa gitna ng daan, o sa mall.


Tuwing nangyayari sakin iyon, napapaisip ako kung anong nakikita ng ibang tao. Hindi naman ako maputi, Hindi naman makinis ang balat ko. Hindi naman maayos ang buhok ko. Hindi rin naman ako mukang pornstar. Maliit akong bata.


Dati-rati, naiisip ko, baka muka akong madaling-makuha, at desperado lang talaga ang mga tao sa daan. O baka natutuwa lang sila sakin, kasi bata pa ako, mag-isa na ako sa kalye kaya gusto nila akong makilala. O baka ginagawa nila ito sa lahat ng babae na mag-isang naglalakad sa daan. Nanggagago lang. At ako, sinasakyan ko lang. Nagpapadala lang ako at kumakagat kasi gusto ko maramdaman na maganda ako. Kahit minsan lang.


Kasi madalas mag-isa lang ako sa daan pagnangyayari iyon,except yung dalawang beses sa mall na kasama ko yung mga kaibigan ko. Madalas, nginingitian lang ako, at tinatanong ang aking pangalan at number at niyaya lumabas. At madalas, pagmaliwanag.


Dati napapa-isip lang ako. Ngayon kinikilabutan na ako.


Ganun ba talaga ang epekto ko sa lalaki? Tiningnan ko katawan ko. Ampayat-payat ko. Hindi naman sobrang makinis ang balat ko. Hindi rin naman ako maputi. Hinawakan ko dibdib ko, wala namang padding ang suot kong bra noon. Wala nga akong cleavage eh. Oo nga naka-sleeveless ako pero wala naman akong pinpakitang masyadong balat. Hindi nga ganun ka-fit suot ko eh. Maluwag nga eh.


Baka naman kasing natural na malibugan ang isang lalaki sa gabi, na kahit sinong babaeng makita niya nagiging sexy. Tiningnan ko cellphone ko. Wala pang alas-nuebe. Ang aga pa ah. Minsan umuuwi ako ng ala-una ng umaga pero ngayon lang sakin nangyari ito.


O baka muka lang talaga akong walang kalaban-laban. Madaling mapag-samantalahan. Baka muka lang talaga akong mahina.


Nauntog ako sa isang puno.


Siguro dapat talaga hindi ako gumagala mag-isa paggabi, kababae kong tao. Dapat nga nakikinig nalang ako sa ibang tao. Sa limang taon ko tong ginagawa ngayon ko lang na-isip na baka nga.


Malapit na ako sa terminal. Ayos, wala pang nakasakay sa harap sa jeep. 9:10 na. Naalala ko yung isang barker na fare-collector don. Wala siya. Oo nga pala alasingko hanggang alas-nuebe lang ang shift niya. Takte antagal-tagal ko na siyang gustong makilala, ang kyut niya kasi, at nung white niyang t-shirt na parang sinabugan ng tambucho. Natutuwa kasi ako sa kanya, kasi muka siyang simpleng tao, at gusto ko siyang makilala. Pero katulad nga ng sinabi ko, isa akong mahiyaing tao.


Dati-rati nga pumapasok lang akong eskwuela, para lang maka-uwi at makita siya. Kasi kung hindi ako pumasok, hindi ako makakauwi, at kung hindi ako maka-uwi, hindi ko siya makikita.


Ngayon, hindi ko siya makikita.


Wala siya ngayon. Wala.


Isang daan ang inabot kung pera sa counter. Kulay ube. Kulay lila. Hindi ko alam kung nakangiti o nakasimangot si Manuel Roxas.


Sabi nung fare-collector, wala kang barya?


Sabi ko, Wala eh, sorry.


Sinabi ko Wala, kahit meron talaga.


Sabi niya, i-aabot nalang daw yung sukli mamaya.


Sabi ko, o sige, dun ako pepwesto sa harap.


Pinikit ko mata ko. Napagdesisyonan ko na hindi ko nalang ito sasabihin sa iba. Medyo wa-kwents naman eh. Wala naman talagang may paki-alam. Saka hindi rin naman ako mahilig magkwento eh. Walang kwenta.


Naisip ko, pag may problema ako, hindi ako nakaka-isip ng solusyon. Mas madaling mag-isip ng solusyon pag ang pinoproblema mo ay ang problema ng iba. Kaya, natural lang na isipin kong sa ibang babae ito nangyari at hindi sa akin. Mas madali eh.


Pagkinwento niya ito sa mga magulang niya, hindi na siya papalabasin ng bahay buong buhay niya. Pagkinwento niya ito sa mga kaibigan niya, aakalain ng mga kaibigan niya, iniimplika niya lang na maganda siya.


Alam niyang hindi sya maganda. Alam na alam niya yun. Yun ang rason kumbakit napapangiti siya pagsinabihan siya na maganda siya.


Minsan iniisip niya kung meron nga ba talaga siyang mga kaibigan. Saka naisip niya na wala naman talaga siyang paki-alam sa magiging opinyon ng mga kaibigan niya tungkol dito.


Miss, narinig ko.


Siya yun.


Binukas ko yung mata ko.


Siya nga yun.


Maitim parin. Nakaputi parin at muka paring binugahan ng tambucho.


Sabi niya, ito na po yung sukli niyo.


Nginitian ko siya. Gusto ko siyang kausapin. Gusto kong sabihin sa kanya na gusto ko siyang kilalanin, at gusto ko siyang maging kaibigan. Kaso mahiyain ako. Kaya, yun nga, nginitian ko nalang siya. Matagal-tagal narin nang huli akong nangiti ng isang ngiting totoo sa isang taong gusto ko talagang ngitian. Ang sarap ng pakiramdam.


Tapos nginitian niya rin ako.


Tapos sana, katulad ng mga sinasabi ng mga inlove sa mga pelikulang sobrang cheesy na nakakasuka at nakakasuklam, sana tumigil ang oras. Sana tumigil ang oras habambuhay.


Kinuha ko yung inaabot niyang mga barya.


Sabi niya, miss pasensya na kung natagalan a.


Wala akong nasabi. Tiningnan ko nalang yung barya sa kamay ko.


Sabi niya, miss, paki bilang nalang kung tama.


Wala parin akong nasabi. Natameme ako na parang pepe. Este pipe pala. Pipe ha hindi PAYP. Natememe ako na parang pipe. Kaya ginawa ko nalang yung sinabi niya.


Limang sampum piso, anim na limam piso, labin-tatlum piso.


Sa totoo lang, nakalimutan ko na kung magkano ba dapat ang binayad ko. Ang alam ko kasi sais pag-istudiyante, tapos 7.50 pag-normal. Itatanong ko sana, kaya lang umalis na siya e.


Muka akong timang, antanda-tanda ko na pero sobrang nasisiyahan ako sa kakapiranggot na salitang minungkahi niya sakin. Ni hindi ko nga alam edad niya. Ni hindi ko nga alam kung anong buong pangalan niya. Pero atleast alam ko palayaw niya.


Umandar na dyip. Pauwi na ako sa bahay. Pagdating ko sa bahay, magsisipilyo ako tapos matutulog na ako. Sana makatulog ako. Sana.


[12.21.2k6 || Pure Fiction II || Mithi. ] 9