One Point Zero.
05.26.04 One Point Zero


Oi, sa mga kinausap ni Sir Luy na sumali sa ONE POINT ZER0 art exhibit niya, may naisip na ba kayo? Inapprove ba niya? Ano naman iyon?


Putek yan, parang gusto ko kumain ng taong buhay nung nireject nya yung proposal ko eh na 3d model ng isang chess piece na nakikinig ng pentavia sa cd player na may shades. Banas na banas na ko nung sinabi niyang 'disapparate ang concept sa output'.. nag-eecho parin sakin yung sinabi niya:


"MITHI NAMAN EH, Wag mong daanin nanaman sa ANGAS nang graphics"


Tae pero may naisip na ako ulit. Collage ng mga 4r pics nang mga banyo in different angles and of different places. Relation noon sa theme? The uniqueness and solitude in human nature's inner privacy. ^_^V. Kung masyado "maangas" para sa kanya aba ewan ko na. Hindi naman kasi porket hindi niya nakikita ang link ng isang idea sa solid representation eh ibig sabihin wala na.


Kayo may naisip na ba kayo? Naalala niyo ba yung advise ni sir na kahit hanggang ngayon hindi ko parin fully maintindihan kung paano ko gagawin?


"GO AGAINST YOUR STYLE"


Ito yung ideas nung iba pang sasali.


PITO --> Rock band with ONE SPIRIT


HANNAH --> ONE pot MANY hands (rejected yung LOTR idea niya)


PEACH --> Something to do with time (ewan ko how she's gonna pull it off)


EDRICK --> WAR on how one nuclear bomb lead the death of a thousand


Unofficial pa yan though, just to give you an idea. Kasi ang labo ng instruction ni Sir na "Wag paghihirapan pero bawal mediocre" kasi dapat to his standards eh. Bakit kasi may respeto parin ako kay sir at sa pagiging artist niya.


Siguro gagamit nalang ako ng cartolinang pink at yellow para hindi niya ma-quequestion yung "going against style" ko. Lol. Ewan ko ba. Naiintindihan ko naman yung meaning na versatile dapat ang isang isang great artist pagdating sa style. At na dapat open muna tayo sa experimentations bago tayo mag-establish nang identity natin sa art. Ang kasi nga lang ang hirap kasi i-compromise para makamit para maging "great artist" ang pagiging "si Mithi" ko kasi nakakatatak na iyon sa pagkatao ng isang tao eh. Mahirap tanggalin. Pero sinusubukan ko.


Siempre naghahanap parin ako nang ibang alternative kasi halos 99.99% ang probability na irereject niya yung BANYO idea ko. Somehow hindi maalis sakin yung INFLATED CONDOMS na nagliliparan sa ere nung summerslamIV. Naisip ko na in old times when two become ONE they become three/four/five/so on pero ngayon STD nalang ang problema. ^_^ peace. Pero siempre that idea is OUT, sasabihin niya ginagago ko na naman yung pinapagawa niya eh, o kaya hindi siya "child friendly".


Katulad nung cut and paste na nag-advise ako na yung babaeng seksi lagyan nang mukha ni George Bush o ni FPJ. Dinadaan daw kasi sa "paastig-astig" kahit na ang totoo gusto ko lang naman sana ipakita na para sakin mas mainam kung gagawa ka nang hindi makikita lamang sa magazine o sa pictures. Kahit gaano ka ganda at realistic yang gawa mo, kung direct copy lang yan nang visible sa mata ng kahit sino, mag mimistulang mere xerox lang yan. And art is not a copy of nature. So therefore it's not art anymore. Pero para sakin lang naman iyon.


So anyway, yung pinaka unang balak ko after niya nireject yung first proposal ko bibili ako nang family size na pepsi bottle tapos pupunuin ko ng taho, royal, sprite, mirinda, toyo, datu puti suka, gummy bears ihi at kung ano ano pa. Concept? Well the bottle represents ONE man, kung hindi niya niya ififilter ang influence na pumapasok sa kanya magiging mabaho, kasuklam-suklam at kadiri ang amoy at lasa niya. Present kasi doon ang HARMONIZATION nang combinations na UNITED sa kanya. At hindi lahat ng UNIQUE ay maganda.


Ewan.


Pero siempre iisipin ko rin naman yung alingasaw nang amoy na malamang mag-da-drive away sa mga taong pupunta sa exhibit so the idea is out as well. Saka besides sasabihin niya 'ginagago' ko nanaman. At besides, ang totoo lang ang pinaka gusto kong gawin ngayon gumawa nang lettering nang M@r!u$ eh. Lol. 6 x 4 per letter tapos i-eedit ko sa photoshop tapos ipapadevelop ko as pictures at ididikit sa filmstrip. Walalang. Siempre wala namang makakaintindi na behind that name may isang nilalang na kakaiba at na hindi hindi maalis alis sa utak ko. Theme--> One thing means something even if you can't understand it. But then again the most na marereceive ko niyan ay batok sa ulo galing kai Joklez na may libreng "Mithi obssessed ka na!" Kahit hindi naman. Oo, hindi ako obssessed.


Or maybe gagawa nalang ako nang malaking 'A' tapos naka acrostic Anak nam puta namang buhay yan. Ehe, tapos sasabihin ko nalang na theme nun connections nang isang expression sa pinakamaliit na unit na bumubuo dito. Kahit ang totoo, wala lang talaga ibig sabihin iyon. Pero baka naman sasabihin niya masyadong simple gaya nang sinabi niya sa head gear namin nung fashion show.


Ayoko na.


Naaliw ako sa sabi ni Rac -> isang mukhang maraming mata. Pati dun sa suggestion ni Diana na switch ng ilaw, Pero sumthing is missing. If all else fails gagawin ko nalang yung pinaka practical na galing kay Pacaba: magtatanong nalang ako sa iba, nanakawin ko ang idea nila tapos iaalter ko nalang nang onti. ^_^V peace. You know I'm kidding.


Kailangan ko nang idea. Tulungan mo ako. Naririnig mo ba ang iyak ni Maria?


[o5.26.2k4 || One Point Zero|| Mithi. ] 7.5