Minsan may Isang Pangit.
1O.24.O4 MINSAN MAY ISANG PANGIT


Si Jowi, masayahing tao, sabik na sabik sa buhay, palangiti. Si Jeyn, masungit at madaling magalit at mairita kasi pakiramdam niya lahat ng tao sa paligid niya bobo at walang alam. Si Jeyn ay isang sosyal na tao, na sobrang magarbo magdamit, magmake-up at magpaganda ng sarili. Si Jowi, simpleng tao lang.Nakadaster, at oo, medyo mukang walang alam sa buhay.
Si Jowi, nakatingin sa bintana ngayon, pinagmamasdan ang kagandahan ng sikat ng araw. Si Jeyn nakatalikod sa kanya naka-upo lang, mukang suyang-suya at sawang-sawa sa buhay niya.Nagnanail polish siya ng kanyang mga kuko sa daliri.


Jowi: (Nagyayaya, at sabik na sabik) Oi Jeyn! Kanina ka pa hindi gumagalaw sa puwesto mo! Halika dito! Tingnan mo ang paglubog ng araw ngayon!


Jeyn: (Ineeksamin yung nailpolish ng kuko niya) Tekalang.


Jowi: Tingnan mo ang ganda! Dali! As in ang ganda ganda talaga! Hindi katulad ng mukha mo. (savbay dila :P) Hehe. Ang layo sa itsura mo. Hehe.


Jeyn: ( Napatingin, Sumimangot, nasaktan ang ego, nagtaray, parang kumidlat ang mata) Pano mo nasabi?


Jowi: Duh, siempre, nakikita ko! Hehe! (Sabay tawa)


Jeyn: (Tumayo, nanlilisik ang mata, nag-uusok ang ilong, tapos biglang natawa ng sakim na tawa) Eh ano naman kung nakikita mo? Bakit tingin mo porket nakikita mo, sapat na iyon para bigyan ng katarungan ang sinasabi mo? "duh siempre, nakikita mo"...


Sabi mo ang ganda ng paglubog ng araw ngayon, pero ngayon ba talaga sa saktong segundo nangyayari ang nakikita mo? Ang distansya sa pagitan ng batong tinatawag mong mundo at ang bola ng apoy na tinatawag mong araw ay 93 million miles. About 186,000 miles bawat segundo ang speed ng light, katulad ng calculation ayon sa experiment ni Michelson at Moreley. Sa simpleng dimensional analysis, alam nating dalawa na ang nakikita ng mata mo ngayon ay hindi ang paglubog ng araw ngayon kundi ang paglubog nito walong minuto na ang nakalilipas.


Saka lumulubog nga ba talaga ang araw? Alam nating stationary object ang sun sa isang mas convenient na inertial frame of reference dahil madaming umiikot sa planeta sa kanya, kaya nga tinawag na Solar System Sa frame reference na ang araw ang stationary, ang earth talaga ang nagrerevolve pa-ikot ng araw kaya lang may ilusyon na lumulubog ito. Pero ang totoo hindi naman talaga ito gumagalaw sa kanyang frame of reference.


Oo, hindi nga talaga ito gumagalaw. Kanina nagrereklamo ka't kanina pa ako hindi gumagalaw. Ang isang full rotation ng earth ay bente-kwatro oras. Nalilibot nito ang circumference ng earth sa equator na ayon sa pagkaka-compute ni Eratosthenes mahigit dalawan-libong taon na ang nakakaraan. Ang circumference ng earth ay humigit kumulang 40,000 km. Kaya sa tatlong segundong nakaupo ako dito ay 1391.4 meters na ang ginalaw ko mula sa kanina kong position in a clockwise direction. At hindi lang iyon, gumalaw din ako ang 1800 kilometers sa isang minutong nakalipas ng pag-eexplika ko dahil nalilibot natin ang orbit ng mundong 94,000,000 km sa 365.25 days kung uniformly ito at walang perihelion at aphelion.


Bakit hanggang ngayon ginuguhit mo parin ang konklusyon mo batay sa nakikita mo at hindi mo nakikita?


Wala kang pinagkaiba sa mga taong pinagtawanan si Copernicus nung sinabi niyang bilog ang mundo noong sinaunang panahon dahil "duh, nakikita nila." kaya malamang pagnadiskubre ka ng mga scientist mukhang ikaw ang magiging pinakanakakapaniwalang ebidensya na mali ang Theory of Evolution ni Charles Robert Darwin.


Hindi nga ba sapat ang mga iyon para matauhan ka at tumigil sa pagsasalita batay lang sa nakikita mo?


Saka sigurado ka nga ba ang ang nakikita mo ay ang nakikita mo? Natunay nga bang nakakakita ka?


Tinitignan mo ang liwanag ng araw sa isang bintanang transparent "ngayon". Ang lightrays mula sa araw ay na-absorb ng electrons sa atoms na bumubuo dyan sa bintana. Bawat particle ay na-aalog at ni-rereemit at ina-absorb ng katabi nitong atom hanggang nakaabot sa atom sa pinaka edge ng bintana. Ang re-emitted light nito ang siyang pumapasok sa mga mata mo na hindi ang parehong lightrays na galing sa liwanag sa labas ng bintana. Oo, ang nakikita mo ay isang nakakaawang simulation lamang.


Besides. nakikita mo nga ba ako? Gaano ka kasigurado?


Ang pumapasok sa mata mo ay ilaw. Dumadaan sa cornea na nagbabaluktot ang ilaw para makadaan sa pupil (ang center part ng iris) na nagbabaluktot nito papuntang lens upang makapagsama-sama sa isang punto sa retina mo na nagsesenyales sa utak mong makapagporma ng isang larawang tinatawag mong ako.


At itong larawan na ito at pawang mga kulay lamang na nanagkakaiba ng pagkakatingkad. Dahil ito lang naman ang nababasa ng rod at cone cells ng retina mo diba? At ang kulay ay ilaw lang din namang nagkakaiba iba lang sa frequency at wavelength. Red ang may pinaka mababang frequency habang ang violet ang may pinaka mataas.


Kaya bale, hindi talaga ako ang nakikita mo, kundi ang mga light rays na iba-iba ang wavelength na hindi naabsorb ng buong katawan ko kaya nasasalamin papuntang mata mo.


Kaya hindi ko talaga lubos maisip kung bakit ang isang taong tulad mo ay basta-basta nalang umaasta ng "duh siempre nakikita niya" kung pangit ang isang tao. Hindi nga siya sigurado na ang nakikita nya ngayon ay ngayon niya talaga nakikita o kanina, o na ang nakikita niya ay nakikita niya talaga, o ang inaakala niyang nakikita niya ay ang talagang nakikita niya.


Jowi: Teka.. Huh? May sinabi ba akong pangit? Sabi ko maganda ang paglubog ng araw at hindi katulad mo. Dahil hamak na mas maganda ka. Sobra na kasi ang kagandahan mo eh. Hindi maikumpara! (^_^)


Jeyn: Ah.


Jowi: Oo napaka ganda mo talaga.


Jeyn: Thank you.


[1o.24.2k4 || Minsan May Isang Pangit