Isa akong Malaking Weirdo.
05.06.04 ISA AKONG MALAKING WEIRDO


Una sa lahat, gusto ko lang linawin na wala talagang kakuwenta-kuwenta ang post na ito. Meron lang akong gustong patunayan.


Alam mo kasi, ganito iyon. Ito ang casual dinner conversation namin ng nanay ko.


Nanay: (Reading newspaper) Sa Pilipinas lang ba may dirty kitchen?
Ako: (Pinaglalaruan ang kanin) Ewan ko, pero malamang oo, indie iyon eh.


Nanay: (Laughs out loudly) Indie, wow, whattaterm.


Ako: (Lightly irritated) Indie, underground. Wala silang producer eh, short for independent.


Nanay: Anong pinagsasabi mo dyan?! Ang ibig kong sabihin sa pilipinas lang ba yung term na Dirty Kitchen at Clean Kitchen.


Ako: (Flushed) A ganun ba akala ko yung banda eh, dk.


Nanay: (Finally discovered) Stop playing with your food! Diyos ko anak kinse-anyos ka na. Hindi mo ba alam, money does not grow on trees. Ang weirdo mo, I can't even keep up. Dapat magsama nalang kayo ng tatay mo! (walks out)


Nasaan ang punchline? Wala. Kasi nga gusto ko lang patunayan na isa akong malaking weirdo.


Malaking weirdo talaga. Oo, hindi ako naniniwala sa values bibliya, at natatangahan ako sa karamihan ng mensahe sa bulletinboard/purpose-driven life/buhay at oo nagmumura ako at oo nanggagago ako ng desperado sa mga sex channels at oo tingin ng marami ako ay immoral at oo BI ako at oo nagkakalat ako ng banyo sa internet at oo nilalagyan ko ng ekis ang mga no jaywalking at bawal tumawid dito at oo wala rin akong kuwentang nilalang. Sana lang sana maintindihan ninyo na ganun talaga iyon. Pakiusap, wag na ninyo tanungin kung bakit ako ganito o kung bakit ako ganyan at wala akong pakialam kung tingin ninyo ang bagsak ko ay impierno.


Minsan kasi nakakairita na, hindi niyo naman kailangan maintindihan, sana lang tanggapin nalang ninyo na ako ay ganito at kung hindi wag niyo nalang ako pansinin. Gusto mo nang debate, pagbibigyan kita, wag mo lang akong tatambakan ng sangkatutak na messages sa inbox ko na mali ako at dapat akong mag-ingat at dapat akong magbago at na tingin mo wala akong mapapala sa buhay ko.


Hindi ko talaga alam kung saan nag-uugat ang pagkaweirdo ko, kung dahil ba sa deoxyribonucleicacid at dominant /recessive genes, o dahil ba may problema ako sa utak, o dahil sa hiwalay ang magulang ko o dahil nakasulat kasi sa mga bituin o dahil hindi nanalo si Yasmien sa StarStruck. Sinubukan ko na iyon alamin, pero sumabog ang utak ko. At satingin ko ang mga rason na katulad noon ay hindi naman kailangan. At ayoko nang sumabog ang utak ko ulit.


Hindi naman ako proud sa sobrang kaweirduhan ko, pero hindi ko rin ito ikinakahiya. Kaya sana lubayan niyo nalang ang pagkatao ko at pati narin ang pagkatao ng iba pang taong hindi nagsasangayon sa sistema ninyo.


Kung gusto mo makipag-usap okay lang. Kung hindi, ayos lang din. Sana lang sana, kaunting respeto lang. Bakit niyo ako irerespeto? Maari kong sabihin na dahil ito ay tama at mabuti, o dahil sinabi ng Diyos na mahalin ang kapitbahay, o dahil maliligtas kayo at pupunta sa langit pag gumawa kayo nang tinaguriang asal katulad ng gagawin nyo saakin. Pero, alam mo wag nalang, kasi nakakasuka. Sabihin nalang natin na kasi paghindi UUMBAGAN KO KAYO. Salamat.


[o5.o6.2k4 || Isa akong Malaking Weirdo || Mithi. ] 8