Hayskul
Shulamith Sevilla 4-Tau Wednesday, July 26, 2006, 8:46:47 PM


Ang highschool sa PSHS ay hindi masaya at masaya.


Hindi masaya ang highschool kasi madaming requirements, at masyado kaming pinagsasabihan na mag-aral ng mag-aral ng mag-aral. Nakakasawa talagang makinig sa mga bagay na sinusubo sa muka mo, kahit na alam mo naman na wala naman talaga itong kuwenta kumpara sa mga bagay na mundong talagang dapat mong matutunan.


Nakakasawa na magpakulong sa loob ng isang mundong may apat na sulok dahil kailangan mong mag-aral at magpasa ng requirements dahil iskolar ka. Nakakasawa nang isakripisyo ang panahon mo upang isuksok ang ilong mo sa isang librong may isanlibong pahina kesa sa ialay ang panahong ito upang tuklasin at lakbayin ang mundong talagang magtuturo samin nang mga kailangan talaga naming matutunan.


Hindi masaya sa pisay dahil maraming mga tao ang nakukulong sa maliit nilang mundo sa loob na apat na taon na kinukulong sila ng hindi nila namamalayan. Kaya minsan, or rather madalas, namimisjudge nila ang ibang taong hindi nila katulad, at namimisjudge sila nang mga ibang taong hindi nila katulad. Kaya nawawala ang respeto nila, at respeto sa kanila. At ang pangit nun. Nakakadiri.


Hindi masaya ang highschool sa pisay dahil nakakainis ang karamihan ng mga matatanda sa admin ng pisay, at ang walang kuwentang systema nila na ikulong ka sa loob ng eskuwela hindi dahil natatakot silang mapahamak ka sa labas, kundi dahil ayaw nilang mapagalitan kung sakaling mapahamak ka. Nakakainis ang mga matatanda, dahil nakakaulol sila, at umaasta sila na kilala ka nila pero hindi. Nakakainis ang mga matatanda sa admin nang pisay dahil ang boring-boring nila, at ang sungit-sungit nila, at isinusukat ka nila sa mga tao sa mga numerong wala namang halaga, at mga itim na markang pinirmahan sa papel nagpapatunay na ang nakasulat at totoo, kahit hindi naman talaga. Parang hindi sila tao.


Masaya ang highschool sa PSHS dahil nakakatuwa, tumawa, at magpatawa, at makitawa sa mga bagay-bagay na hindi naman talaga nakakatawa maliban sa particular na taon, buwan, araw, oras, minuto, segundo, milisegundo, microsecond, picosecond, planeta, bansa, rehiyon, syudad, kalye, building, kuwarto, punto na ni-plot sa x-y-z axis nang mundo.


Dahil nung tumungtong ako sa PSHS, hindi ko talaga alam ang gusto ko. Nung tumungtong ako sa PSHS, ang alam ko lang eh gusto ko kalang patabain ang ego at pride ko. Walalang. Magpapansin. Biro mo nga naman, mula sa pagiging nasa lower half ng batch ko sa elem, napunta ako sa cream of the cream of the crop na sinasabi nila.


Sinu ba namang hindi matutuwa pag pinagsama-sama mo ang mga walang kamuwang-muwang na mga batang normal at turuan ng mga kabalustugang mas kilala sa tawag na sinoartial ventricular nodes, at enthalphy, at as f(x) approaches negative infinity squared plus 4? Sino ba namang hindi matutuwang makitang ang mga chambalero at chambalerang gastusin ang tira-tira ng corruption sa arcade at dota? Sino ba namang hindi matutuwa sa kagaguhang pampagulo nang utak na hindi naman hiningi, at suyang-suya na kaming marinig, pero natutunan narin naming mahalin hindi dahil nakikita namin ang kahalagahan, ngunit dahil nakakatawa kahit hindi namin gaano maintindihan, ang mga kagaguhang ito ay siyang humubog na aming pagkatao?


Masaya ang highschool dahil sa apat na taon ko dito, napatunayan ko na ang inakala ko sa mga preconceived kong walang kuwentang kunsepto tungkol sa importansya, buhay, prinsipyo at likas na katangian ng tao ay mali. Marami akong natutunan, at malaki ang pinagbago ko lalo na sa aspeto ng mga tunay kong pinahahalagahan sa buhay. Kung ano ang mga tunay na mahalaga. Maraming din akong mga nabuong pangarap. Marami akong nabuong pilosopiya at paniniwala. Marami akong karanasan na naranasan. Nalaman ko nung ano ba talaga ang mga gusto at hindi ko gusto sa mundo. Naisip ko kung anong mga maganda at hindi maganda para sakin. At higit sa lahat natutunan ko na ang sarap-sarap makasama ang mga kaibigan at kabarkada mo at tumawa at matuwa na nagbibigay ng tunay na saysay at kabuhulan sa isang buhay na nakakasawa. Dahil kahit na pilitin ka nilang ikulong, makakatakas ka parin kung gusto mo.


[o7.26.2k6 | | Hayskul || Mithi ] 8