Gusto ko Tumangkad.
Saturday, July 16, 2005, 2:23:40 AM Gusto ko tumangkad.


Am.. Lol.


Hindi ko dinelete yung website dahil kay "kanya". Lol. Wahahahah. Si "kanya" ay ibang kwento. Kung ano yung kwento na iyon, ay hindi ko alam. Nakundisyon ko na ang utak ko na tapos na yun. At wala na yung magiging kasunod. Masaya na ako ulit. Yey.


Ay mali, dapat pala, YEY!


Anyway, ganito yon, may nakita akong Pepsi can. Tapos nagandahan ako. Tapos dahil dito naisip ko "ano kaya kung idelete ko yung site ko?", eh kasi naman kahit gaano mangpasakit ang idanas ko, upang pagandahin ang site ko sa abot nang aking makakaya, eh mas maganda parin yung Pepsi can na inapakan. Gandang hindi pinaghihirapan. Parang yung sa shampoo commercial.


Kaya yun.


Pucha, kababalik ko lang galing sa dorm. Gusto ko magswimming. At manood ng Being John Malkovich. At saka walang hiya, almost 0% na ang attention na binibigay ko sa school work. Almost zero na rin yata ang I.Q ko. Inaantok ako na ako sa lahat ng subjects, at mas nasisiyahan pa akong pagmasdan yung alikabok sa mga vandal sa lamesa kesa magnotes. Ganun naman ako dati eh, pero kahit papano nag-aaral naman ako at gumagawa nang hw atleast 30 minutes before the deadline. Eh ngayon ewan. Ang pangit na ng buhok ko. Parang walis ting ting.


Sabi ni Garrick maganda ang The Mars Volta. Tapos excited na ako makuha yung burned copy ko sa kanya. Ang ganda kasi nung site ng Mars Volta eh. Walalang. Tapos may nagpost sa friendster nang kantang "sleeping in" tapos nalaman ko na The Postal Service ang kumanta nito tapos nacurious tuloy ako kung anong ang kwento nang pag-aassinate kay John F. Kennedy. Kaya binabasa ko ngayon galing sa Wikipedia.


Gusto ko tumalon sa bakod. Gusto ko rin tumangkad.


Saturday, July 23, 2005, 12:27:19 AM


Eto. Wala parin masyadong pagbabago. Mas madaling magsulat sa utak kesa sa papel. Sa utak kasi di mo naman kailangan ng lengwahe para magsulat. Di mo kailangan hanapin yung tamang salita, ni hindi mo nga kailangan magisip eh. Wala lang. Nagsususulat ka lang. Kumpano, hindi ko alam. Ang alam ko lang ay nagsusulat ka.


Ano ba ibig sabihin ng pagsusulat? Bakit kaya pagsinabing nagsusulat ka ay kadalasan hindi ka naman talaga nangsusulat at rather na nagtatype ka. Walalang.


Yun.


I walked out the third floor auditorium, and I see a hand wave across my face. It took me a moment to realize it was his. He says, Hi. I say, Hi. My will to live amazes me.


And then, he walks away. And then, I walk away. And then, needless to say, I die.


Putangina buti patay na yung nagimbento nang salitang hi, kasi baka nakulong pako.


Sana wala nalang stipends sa Pisay, para di ko na pinag-iisipan kung papasok ba ako pagising ko uma-umaga. Ganito pala ang buhay ng isang tao whose life solely revolves around some monthly pieces of paper.


Ang payat-payat ko na, ganito pala ang pakiramdam pagpinaparusahan ka ng Diyos dahil sa dami nang kasalanan mo.


Nung isang linggo umuupo ako sa upuan ko sa klasrum tapos kinukutkot ko yung balat nang sugat kong di pa nanunuyo na sariwa pa mula sa pagasgas ko dun sa kalawang nung umakyat ako sa bubong namin. Tapos pagnagbell na pupunta ako dun sa kabilang klasrum tapos magreresume ako sa pagkutkot nung sugat.


Pero ngayon kasi naghilum na yung sugat at naging peklat na, kaya di ko na makalikot. Kaya iniikot-ikot ko nalang yung kaliwang ankle ko na nasprain ko nung tumalon ako mula dun sa.... puno. Sa totoo lang, pakiramdam ko muka akong timang eh, pero ayos lang.


Nagpagupit nga pala ako. Eh pinagtripan ako nung barbero eh, mga 5 minutes niya lang ginupitan, tapos sabi ko v-cut tapos bobo siya kay gusto ko siyang paliguan ng hydrochloric acid. Kaya sabi ko kay Dianne the next day na ayusin niya. Tapos yun ginupit niya, sa backlobby nung SHB, at nandun pa yung excess hair ko dun. Walalang. Sinasabi ko lang in case kung gusto mong i-check out.


Tapos masaya ako paglumalangoy. Naalala ko yung mga walang kakwenta-kwentang bagay, tulad nung isang araw na nagising ako kasi sobrang nandidiri ako sa lasa ng laway ko. Tapos pumunta ako sa banyo para magtoothbrush tapos napansin ko nalang na ampait yata. Tapos narealize ko na Rejoice Rich pala yung niligay ko sa toothbrush ko imbis na yung colgate. Kumbakit, hindi ko alam. Tapos naalala ko rin na nung elem ako umuupo ako paminsan-minsan sa harap ng schoolbus tapos laging sinasagasaan ni Mang Romy yung mga pusang tumatawid pag-gabi. Tapos naalala ko na yung sandali bago sagasaan yung pusa panandaliang titigil yung oras tapos yung liwanag nung ilaw sa harap ng kotse tatama dun sa mata nung pusa tapos magrereflect yun papunta sa mata mo, tapos magandang tingnan. Maganda tingnan, pero kawawa parin yung pusa.


Sabi ko sa kaibigan ko, ang lungkot kasi wala na akong drive sa buhay. Sabi niya sakin, Alam ko na, manligaw ka kaya nang lalaki.


Tapos naalala ko yung mga kababawan ko dati kasama nung mga kaibigan ko. Pagnangtitrip kami, pag nanggagago kami sa mall, o kaya naman pag walalang, naglalakad kami nang mga alas dose ng gabi tapos may nakita kami minsan na mga maton na nagsasapakan. Wala lang masaya lang. Saka pati narin yung palaka dun sa Freshteeg concert. Di ko parin maisip kung saan galing yung palaka.


Nagbrown-out nga pala sa dorm nung monday. Masaya pagmasdan yung backlight ng mga cellphone namin habang pinapakinggan ko yung tibok nampuso ko.


Minsan natatanong ko, bakit kaya mas masaya talagang magsulat tungkol sa mga kababawan at mga walang kwentang bagay na wala naman talagang silbe sa buhay.


Minsan naman, bakit kaya Yellow ang pinapatugtog sa nu107 ngayon.


[07.16.2k5 || Gusto kong Tumangkad|| Mithi. ] 9