.FUCK Signatures.
05.26.04






Sige ikick-out niyo ko. Sige ipakulong niyo ako. Wala na akong pakialam. Syet, ang babaw nang mundo. And what happened to freedom of expression? It's all a big lie. F^ck lies. Gosh, sobrang babaw nito. Nakakahiya't umiyak ako. Why do they alway make small things big? F^ck making small things big.


The Pisay system sucks. Ang ganda na sana ng Curriculum eh. F^ck rules. For most parts, it is downright stupid. I hate the way they're trying to control when and where we sleep, what we wear and we don't wear, what we like and don't like. When we study and when we don't. So what if I don't study 7-10pm if I get good grades? So what if I don't sleep at 10pm as long as I don't sleep in class? I hate the way they want us to think the way they do. People have different ways of succeeding you know. Kanya-kanyang diskarte yan. F^ck socks! F^ck earrings! F^ck values education! The way they treat my wearing black socks as if I killed someone. The way colorful undershirts scare their pants off them. It's just plain sucky. Hey, I'm not hurting anybody in case they haven't noticed. I hate superfluous rules! I hate eveything. The way they ban magic cards as if they think they really could. The way they're stupid enough to believe they can control room-hopping by making classmates roommates. What happened to social skills? And they can't even respect the fact that humans are not as special as they think and as they teach it. They can't even understand the mere reality that there is no such thing as an "objective" multiple-choice values education exam. How in the world can they threaten me as if wearing 6 earrings is a criminal offense? We ARE NOT robots! What part can't they understand in the in-you-face fact that they can't make a "perfect" world because their definition of the term perfect is SO screwed up? F^ck them. And even DAMN signatures for God's sake! Pakikialaman nila. Screw conventionality!


This is my story.


(Edited and shortened, hindi verbatim pero essence is the same)


Registrars Office.


Pangit na babae: O bakit ngayon ka lang? 2:00 na anong oras mo balak matapos? Mga ibang ka-batch mo alas ocho palang nandito na.


F^ck time. Wala naman sinabing oras kung kelang mageenroll eh, anong karapatan niyang pagalitan ako. Pero cool lang ako kasi hindi naman ako kasing pangit niya. Binigay na sakin ang forms.


(cut guidance office scene, cut dorm scene, cut cafeteria seen- Fast forward)


Registrars ulit.


Syet ang haba nang pila. Baka year 2304 pa bago matapos ito. Pero di naglaon natapos rin. Sa wakas nasa dulo na ako.


Sana hindi nalang pala.


M*****a: Ano ito? Tingin mo ba laro lang ang lahat-lahat nang ito? Bawal tong pirmang ito.


Alam mo ba, hindi na sana ako makikipag-away sa katiting na pirma lang. Pero banas na banas ako sa katotohanan na lagi nalang nilang pinipilit mangyari ang mga bagay na gusto lang nilang baguhin porket tingin nila kagaguhan lang. F^ck them.


Mithi: Bakit ho?


M*****a: Obvious ba? Sino ba naman tatanggap nang Physics equation dyan?


Mithi: Hindi ho yan Physics equation.


M*****a: Eh ano?


Mithi: Pirma ho.


M*****a: Bawal nga yan. Ang smiley face nga e hindi pinapayagan.


Mithi: E hindi naman yan smiley face eh.


M*****a: Oo nga! Physics equation pa kaya?


Mithi: Eh hindi nga naman yan Physics equation.


M*****a: E ano?


Mithi: Pirma ho.


M*****a: Hai. Hindi yan tatanggapin kasi mukang physics equation. Baguhin mo yan.


Mithi: Bakit ho? Meron ho bang batas na nagsasabing bawal magmukang Physics equation ang pirma?


M*****a: Meron


(Pinagtitinginan na kami nang tao)


Mithi: Saan?


M*****a: Hahanapin ko pa.


Mithi:..


M*****a: Basta. Hindi ko yan tatanggapin. Kala mo laro ito? Bumalik ka sa registrars , Humingi ka ulit nang forms, fill-upan mo ulit.


Mithi: ANO! FIFILLUPAN KO NANAMAN YANG [t@ng!n@ng] SLUMBOOKISH FORMs NAYAN! MAGHIHINTAY NANAMAN AKO NANG 3 ORAS PAGIPAPANNOTARYO KO NANAMAN YAN TAPOS BABALIK PA AKO SA BAHAY PARA IPAPIRMA SA NANAY KO, TAPOS PIPILA NANAMAN AKO? BAKIT YUNG NOTARYO PUMAYAG, EH SILA YUNG NAGARAL NG BATAS? AYOKO NGA!


M*****a: Bahala ka, sige na nga tatanggapin ko pero ihohold ko at dadalin ko sa SSD para magkaroon ka nang diciplinary action.


F^ck SSD.


Puntang caf. Joji salamat sinamahan mo ako. Umiyak ako kasi naawa ako. Hindi sasarili ko kung hindi sa kanila. Pinunas ko luha ko. Nag-facepowder para kunwari walang nangyari.


Balik naman ako sa registrars.


Mithi: Pahingi ulit nang forms


Pangit na babae: Ano wala ka pa? Late ka na nga, asus, perwisyo.


Mithi: Meron kaya lang pinapaulit kasi sakin ni Ma'am M*****a.


Pangit na babae:Isang set lang ng forms bawat studiante.


Mithi: Bakit si Joji?


Joji: Dalawa po binigay saking forms


Pangit na babae(pahiya): Basta ang alam ko isa lang set ng forms bawat studiante.


Mithi: (Pakening syet! para naman kasing ginugusto ko talaga fillupan yang forms nayan) Eh pinapaulit nga ho ako ni ma'am M*****a, sabi kumuha kaw ako ulit.


Pangit na babae: Saka bawal maraming hikaw isa lang puwede. Tanggalin mo yan.


Mithi: Bakit si Maan?


Pangit na babae: Wag mo na gayahin si Maan. Pasaway din yun.


Mithi: Wala naman akong ginagawang masama eh.


Pangit na babae: EH kasi hindi magandang tingnan


Mithi (EH bakit kayo hindi pinagbabawal dito?) Ano bang maganda at hindi maganda?


Pangit na babae: Iha, perwisyo ka.


Mithi: (Paiyak na) KAILANGAN KO NGA NG FORMS KASI HINDI AKO MAKAKAPAGENROLL. AYOKO MAGING PALABOY SA LANSANGAN.


S*****o: Iha, hindi bagay sayo umiiyak. Halika sa kuwarto usap tayo.


F^ck enrollments.


S*****o: Iha, talagang bawal yang pirma mo. Tingnan mo nga naman o. Equation yan hindi yan pirma.


Mithi: E wala naman ho akong nakikitang libro kung paano gumawa nang pirma. Sino ho ba ang nagsasabi kung ano ang pirma t kung ano ang hindi?


S*****o: Isipin mo nalang ganito, yung pirma mo dapat personal na pagkakasulat nang pangalan mo na walang makakagaya


Mithi: Eh personal naman yan na pagkakasulat ng pangalan ko na walang makakagaya.


S*****o: Malalaman ba nang iba na ikaw yan eh equation yan?


Mithi: Oho, kaya nga nila malalaman, kasi ako lang ang pumiling gumawa nang pirma na mukhang equation.


S*****o: E pano kung hindi mo kilala? Eh hindi naman yan yung pangalan mo eh. Wala ngang M.


Mithi: Pangalan ko ho yan. Kahit walang M. Kailangan ba may unang letra nang pangalan ang pirma?


S*****o: Hindi pero kung sinulat mo yan sa papel malalaman ba nang iba kung pirma mo yan o hindi? Siempre hindi kasi hindi naman yan mukhang Pirma.


Mithi: Ahh, ang pirma pala ay kung malalaman ng iba na pirma yung pirma mo.


S*****o: Hayyy..


Mithi: Ang batayan pala kung ano ang pirma at kung ano ang hindi ay kung anong mukhang pirma sa ibang tao at kung anong hindi mukhang pirma.


S*****o: Hindi naman. Official document kasi yan. Dapat yung pirma mo talaga.


Mithi: Yan nga yung pirma ko talaga.


S*****o: Yan ba yun pirma mo dati?


Mithi: Hindi pero puwede ko naman baguhin ang pirma ko kasi minor pa naman ako. Hindi pa naman ako 18.


S*****o: Besides madaling i-forge yan


Mithi: Mas madali nga iforge yung pirma ko dati kasi simpleng print na MITHI lang eh. Saka besides, sino ba naman akong highprofile na kakailanganin ng iba iforge ang pirma ko.


S*****o: Sige kung tatanggapin ko yan tapos gusto makita ng teachers mo profile mo ano nalang iisipin nila, magtatanong lang sila sakin kung bakit ko inapprove eh hindi naman yan pirma. Hindi professional.


Mithi: Ah, so yung pirma ay kung ano yung pagsususkat na hindi tatanungin nang iba kung bakit mo inapprove.


S*****o: Alam mo hindi ko maiintindihan kung anong hindi mo maintindihan sa pirma.


Mithi: Yung parte kung bakit kayo dapat yung pumili kung paano ko isusulat yung pirma ko, eh pirma ko nga iyon.


S*****o:Eh paano kung sa bangko tatanggapin ba nila yan?


Mithi: Hindi ko alam, pero underage pa naman ako kaya wala akong pakialam. Ang pakialam ko lang yung nag NOTARYO wala namang reklamo sa pirma ko eh sila yung supposedly nagaral nang batas.


S*****o: Mithi...


Mithi: O sige naiintindihan ko na.


S*****o: Talaga?


Mithi: Hindi talaga. Pero sinasabi ko nalang nanaiintindihan ko at babaguhin ko na pirma ko kasi kung hindi hindi niyo ako ipapaenrol. (At ayoko namang magpalaboy-laboy sa kanto)


S*****o: Ayos. Alam mo Mithi maganda ka sana pero ang dumi-dumi mo. Mag-ayos ka nga akakalain pa nila binugbog kita. Hehe. Iyakin ka pala. Tahan na.


F^ck signatures. Tangina. Banas na banas ako. Lintek yan, signatures lang. Pero hindi kita sinisisi Ma'am S*****o, mabait ka sakin. Pero tile wala na akong ginawang tama sa buhay ko. Langyah. Salamat Joji at sinamahan mo ako magcommute pa uwi. Kinailangan talaga kita noon. F^ck the world. Wala na bang pag-asa ang mundo? O tila wala na ba AKONG pagasa sa mundo? Nakakirita pa yung mga manyak sa jeep. Wala na kasi akong pera magFX. Pero alam mo ayos lang. Naglalakad ako pauwi sa bahay nang may isang batang babae at yaya niya nakasalubong ko.


Bata (nakangiti tinuturo ako): Yaya, tingnan mo ang ganda niya.


Mithi: (napangiti naman ako, parang nawala lahat nang naramdaman ko)..


Bata: Bagay sayo hikaw mo saka yang medyas mo.


Alam mo bata, hindi mo alam kung GAANO mo napasaya ang araw ko sa mabuti mong salita. Alam mo pangako paglaki mo iboboto kita maging presidente kahit na corrupt ka. Deh. Wag nalang. Pero SALAMAT talaga. Kasi, kahit papano, may pag-asa pa pala ang mundo. Hindi dahil sinabi mong maganda ako kung hindi dahil kahit papano, na-aapreciate mo ang kalayaan ko at mga desisyon ko. SALAMAT.


[o5.26.2k4 || Fuck Signatures || Mithi. ] 8.5