fAQ meH.
1o.27.o4. FAQ.html


KADALASANG Tanong:
(1) Minsn dko magetzz ung cnusulat m, bkt b ngglingan cla seo, mlabo ka magsulat tpos hindi pa mlinaw, taglish p kdalasn..
(2) Wow, ang astig talaga ng mga kuwento mo! Bilib aq sau, i-submit mo kya sa Palanca or sumtin ^________^?
(3) NAKAKASAKIT KA NANG MGA TAO, WALA KANG ALAM SA BUHAY. ALAM MO BA YON


Sagot: Salamat at nagustuhan mo, at kung hindi naman, hey, there's always next time. Bukod sa nakakatamad magsubmit sa Palanca lalo't alam mong hindi ka mananalo eh hindi ako sigurado kung ano ang category ng mga sinusulat ko. Hindi ko nga alam kung kuwento nga ang sinusulat ko eh, o wala lang random words at punctuation marks lang. May naiisip kong anim na dahilan kung bakit.


Una, wala ako usually na sinusunod sa structure, like rising action, climax at falling action. Kasi ang pinaka kunsepto nang sinusulat ko ay utak at buhay, at masyadong komplikado ang struktura ng utak at buhay para ihati sa tatlong bahagi lamang, kung maari nga itong ihati sa mga bahagi.


Pangalawa hindi ko nirererestrict ang sinusulat ko isang language, sa spelling ng language, at sa "correct" punctuation ng language. Dahil ang diwa ng Pagsusulat ay walang sinusunod na batas, wala siyang kinikilalang mas mataas sa kanya. Pag-sumunod siya sa batas ng wala sa kagustuhan niya, eh hindi na Pagsusulat yon, kundi pagpapa-Alipin. Ang Pagsususulat ay walang sinasanto, wala itong pakiaalam kung mali o tama siya, o kung makakasakit siya ng tao, o kung meron nga ba siyang alam o wala sa buhay. Ang Pagsusulat ay isang sakim na nilalang.


Pangatlo, minsa'y hindi ako nagsusulat in chronological order. Kasi hindi lahat nang nangyari, nangyayari, mangyayari ay sunod-sunod o in sequence. Dahil ang buhay ay hindi sunod-sunod. At kung tingin mo eh mali ako, eh, malayo pa ang lalakarin mo para makarating sa tindahan ni aling Nena para makabili ng ice kendi.


Pangapat, wala siyang malinaw na elements of a short story like main characters, secondary characters at conflict, at setting o ano pa man yan. Dahil walalang. Tingin ko there are no such things. Ang meron lang ay kaluluwa, at ang iba ay ilusyon nalamang o kathang-isip.


Panglima ay hindi ko pinapansin kung run-on sentence, o fragment o phrase yan, kung hindi malinaw ang diwa ng mga grupo ng salita, eh problema na nang nagbabasa iyon. Hindi naman niya kailangan maintindihan ang lahat eh, at hindi rin naman talaga natin maiintindihan ang lahat sa mundo anyway. Aakalain lang natin. Hindi naman kasi ako nagsusulat para may pagbasa, nagsusulat ako kasi walalang, guwapo si ^&#!)#! #!) &#(!&@)!&!).


At panganim ay.. shet, hindi ako marunong mag bilang.


[1o.27.2k4 || FaQ meH|| Mithi. ] 8.5