At Para Kanino Ba ito?.
04.11.04 AT PARA KANINO BA ITO.?


Bato bato sa langit, tamaan ay wag magagalit. Ang pikon ay laging talo. LoL. Mukhang wala na ata talagang nagasasawa.


Para kanino ba ito?


Para sa mga taong mahilig magpost nang kung gaano sila ka sama as if naniniwala sila na masasabi ng isang webpage na scripted at talagang sa percentages talaga masusukat ang kasamaan ng tao, kung anong dapat nilang pangalang sinabi ng isang site na waring hindi pa sila kuntento sa meron sila, kung sinong pinakamaraming studiante ng isang paaralan sa friendster na parang may magiging katuturan talaga ito sa buhay nila bilang mga nilalang, kung anong mas gusto nila pink o yellow, kung tao ba sila o hayop, kung anong tingin nila sa pag-ibig, kung mas gusto ba nila magpakamatay sa australia o sa ireland at kung anong kulay ng tae ng aso nila as if may paki talaga ang ibang tao.


Pati na sa waring mga desperadong magka-mu o boyfriend o girlfriend o ano paman na pati mga chainletters pinapatulan, sa mga naniwala ng http://www.crush007.com/love.cgi?id=1080969040xxj, sa mga pagawa ng pagawa ng mga testi dahil nasisiyahan silang marinig sa iba ang mga kaplastikang sasabihin tungkol sa kanila, sa mga taong obssessed na sa friendstests as if sukatan talaga ito ng pagkakaibigan, sa mga naniniwalang may multo sa friendster, sa mga nagpaparamihan ng "friends" kahit na alam naman sa 2019201921092109 nilang "friends" wala naman talaga ang tunay, sa mga naging biktima ng mga gagong nagpananiniwala na dadalawin sila ni bloody mary o ni Jenna o ni Sadako o ni sino pa mang mga walang mata't ilong at bibig kung hindi sila susunod... kakatawa kc kung may multo nga, parang magpapagod pa sila magkeep track sa mga nagpopost at hindi nagpopost sa friendster.


Isasama ko narin narin ang mga sobrang paranoid na nagfoforward ng sinasabing message ng Friendster Admin kahit na dalawang beses na inannounce ang Friendster sa ilalim mismo ng bulletin na wala silang balak paalisin ang sinuman dito, ang mga kumukuha ng tests para sabihin sa kanila kung sino sila at kung ano ang pagkatao nila at dahil siguro wala talaga silang ka ide-ideya tungkol dito, at sa mga iba pang walang magawa sa buhay nila't walang humpay ang kaka-copy and paste at pagpipindot ng "post" Button sa http://www.friendster.com/postbulletin.jsp as if may pakialam talaga ang tao sa ipopost nila.


Hai, kakaiba na talaga ang generation natin ngayon. Ang generation na nagpapabagal ng friendster. Kahit na alam kong ifoforward din ito ng mga taong naiirita at nagsasawa na sa mga pinag-popost ninyo, hindi para sa kanila ito. Tingin ko kasi kayo rin ang tipong magfoforward nito kung sasabihin kong mumultuhin kayo ng kaluluwa ng pusa kong itim kung hindi, pero hindi ko ito sasabihin kasi hindi ako isang desperadong tanga. Hindi naman kasalanan ang magpost at alam kong wala talaga kayong magawang iba, pero alam kong marami sa inyo ang walang kamuwang muwang na kayo ito bago ninyo nabasa ito, kaya para sa inyo ito. Hindi ko alam kung matatauhan keo o hindi, at kung titigil man kayo o hindi, o maiirita o hindi, at alam kong alam ninyo na wala talaga akong pakialam.


Ang paki at alam ko lang ay para sa inyo ito.


[o4.11.2k4 || At Para Kanino Ba to? || Mithi. ] 8.25