Ang Tunay na Kagandahan.
06.02.04 ANG TUNAY NA KAGANDAHAN.


Wag mo na nga tanungin kung bakit ako nakasimangot. Duh, siempre kasi naiirita ako. Oo, sinabi mo pa. Punyeta, nakaaway ko nanaman sila. Tangna naman kasi't labis na ang katangahan nang mga tao sa mundo. Oo, kasimple-simpleng bagay di nila maipasok sa kakapirasong karne ng ulo nila. Haha! Ayos ka pare, siguro nga wala sila noon!


Biro mo, pinapangaralan nila ako na akala mo naniniwala talaga sila sa sinasabi nila. Ang kagandahan daw ay nasa asal at hangarin daw! Ulol! Ewan ko nga rin kung saan nila napupulot ang mga kalokohan na katulad noon.


Araw-araw na ngang sinasalpak nang telebisyon sa makakapal nilang mukha kung ano iyon eh. Kahit sa billboards na nadadaanan nila papunta sa trabaho't eskuwela nandun nga yun eh. Kahit sa magazines na binabasa nila makikita iyon eh. Siempre dapat maputi na parang zonrox, walas tingting anf buhok at makinis ang mukha. Mahaba ang pilikmata. Diba? Saka dyogang pakwan, at puwet. At walang tyan. Ano bang tingin nila kung bakit yung mga ganun ang kinukuha para mag-endorse? Siempre kasi maganda sila.


Tingin ba nila makikita sa kapirasong papel at kahon ang "mabuting asal" at "mabuting hangarin"? Lokohin nila lelang nila.


Tama ka. Ang billboards, TV, at magasin ang tanging basehan kung anong maganda at kung anong hindi. Siempre kasi hindi naman yan pipiliin para maging medium ng mga negosyante para kumita kung hindi nito mapapakita kung anong maganda. Totoo naman diba? Bakit bibilin ng tao kung pangit? Oo sinabi mo pa. Ang pagiging maganda ay kung ano ang sinasabi nang karamihan na maganda. Kung mas maraming bumibili sa kanila eh di ibig sabihin mas maraming nagagandahan sa patalastas nila. Logical naman eh. At pag mas madaming bumibili sa kanila eh di mas maraming PERA. Simple lang naman ang buhay. Simple lang naman diba? Kaya tama lang sabihin na pag mas maganda mas maraming pera. Ang pera ang pinaka malaking ebidensya nang na kagandahang nakikita ng tao.


Ha? Aba wag ako ang tanungin mo. Ewan ko rin kung bakit hindi nila naisip iyon. Ang kagandahan ay ang nakikita nang mata na hindi naiintindihan nang puso.


Tapos eto pa, LIBRE daw ang kagandahan! HAHA! Halos mahulog na nga ako sa upuan ko noong marinig ko iyon eh, hehe. Ang libre na ngalang ata ngayon eh ay ang pekeng ngiti. Ano? Paano mo naman nasabi? Ay oo nga no! Ang Colgate at Close-up nagbabayad na nga pala ngayon ng malaki para sa pekeng ngiti. Hehe. Pero siempre okay lang iyon, hindi naman tanga ang mga negosyante. Madami namang bumibili sa kanila at nagbabayad para dun eh. Kasi siempre kailangan nila ito para makangiti. Hehe. Galing ah. Ngayon ko lang natanto iyon. Kahit ang ngiti hindi libre.


Anyway, LIBRE daw. Hindi ko nga rin alam kung paano nila naisip iyon. Libre ba yung PONDS WHITENING LOTION? Libre ba yung Clean and Clear face powder? EH yung pagpaparebond nila at pagpapatanggal nila nang buhok sa paa at kilikili? EH yung damit nila galing kamiseta? Yung alahas nila? Yung lipstick, blowdryer at lash curler nila? Libre ba iyon? Plastic surgery at liposuction libre ba yun? Niyahahaha. Ilibre nila mukha nila. Ano bang hindi nila maintindihan sa ang kagandahan ay kung gaano kayaman sa pera!


Pero dito talaga ako hindi makapaniwala. Dito ko talaga hindi lubus-lubusang matanto kung paano nila nasabi ito nang may paninindigan. Ang kagandahan ay ang PAGIGING MALAYA. ULOL! BUWAHAHAHA. Parang gusto kong suntukin ang sarili ko nung narinig ko ito.


MALAYA DAW? Eh sino bang hindi makalabas kasi baka mangitim? Malaya ba iyong hindi nakapagsiswimming at makapagpapatintero kahit gusto niya kasi baka mangitim siya? Malaya ba yung namimilipit sa gutom sa pagdiyedyeta at hanggang tingin nalang sa katakamtakam na keyk kasi natatakot siyang tumaba? Eh yung pilit na hindi kainin yung paborito niyang frenchfries kasi natatakot siyang magkatangyawat? Malaya ba yung nabubuhay sa takot? E yung pilit nagpaalam sa minamahal niya kahit gusto pa niya magtelebabad kasi kailangan niya nang "beauty sleep"? Malaya ba iyon? HAHAHAHA.


Oo nakakatawa nga sila. Oi, sige alis na ko. Pero salamat talaga. May date pa kasi kami nang gf ko. Gusto mo makita,teka may picture niya ako sa wallet ko. Gago, hindi yan si Elizabeth Ramsey pare. Baka mapawi itong pagkainis ko sapagkat makakapiling ko ang babae may TUNAY na kagandahan, hindi yung kagandahan lang.


[o6.o2.2k4 || Ang Tunay na Kagandahan|| Mithi. ] 9