Ang Madugong Tenga.
O1.15.O5.


SS4 nung muli akong nagpabutas pagkatapos ng mahaba habang panahon.


SS4 din nung una kitang nakita sa personal. Umupo ka at ngumiti sa lupa. Nakakatawa nga isipin kumpano mo ikinilos yun kasi umasta ka na parang walang mga nagliliparang Pepsi, parang walang mga gagong nagsaslaman sa paligid mo. Nakaputi ka noon. At kahit papano, inisip ko kung anong iniisip mo.


Siguro iniisip mo yung suntukan mo nung isang araw, o yung mga nakatayong tao sa bus o kung nagmamasturbate kaya yung mahinhin na naka-chat mo, kasing sexy niya sana yung pornong nakita mo. Siguro isa dun ang iniisip mo. Siguro isa dun iniisip mo, pero malamang hindi.


Mag-iisang taon narin simula nung nangyari yon, at bukod dun sa pinabutas ko noon, eh meron nakong labing-isang na piercings. Mag-iisang taon naring tahimik na nagdudugo yung butas na iyon. Pangit kasi yung pinagbutasan noon ko e, hindi marunong yung nambutas. Pero malamang maghihilum siguro sana ito kung hindi ko tinatanggal yung balat ng sugat pagtuyo na.


Pagtinanggal mo kasi ang balat ng maliit na sugat, may lalabas na kaunting dami nang dugo. Dahil sa texture at ukit nang tenga mo, maiipon yung dugo dun. Mahahanginan ng kaunti, madaragdagan ng pawis, alikabok at siempre tutuli mo. Isabay mo pa yung sikreto mo na isang beses ka lang sa isang buwan maligo. Ang dugo, dahan-dahang matutuyo tapos, jackpot, ayos na.


Kutkutin mo at may mabubunot kang maliit na pulang krystal.


Inalok ko si Mari, "Gusto mo?" Nilapit ko sa kanya ang daliri ko kung nasaan ang krystal. Sabi niya "yaak kadiri. ... Ilayo mo nga yan sakin.”


SSss.Kung ayaw mo, eh di wag.


Kumbibigyan kita ng krystal mula sa sugat ng nagdudurugo kong tenga na gawa sa pawis, alikabok at tutuli, tatanggapin mo ba, o pandidirian mo ako?


Yan ang standard operational procedure na tinatanong ko sa isang tao pag may nakukutkot ako.


Sabi ni Jeriq, ewan niya, depende kasi hindi naman niya alam intention ko eh.


Sabi ni Jerome, tatatanggapin niya at the same time mandidiri siya kasi nakakadiri naman talaga daw eh, balat ng sugat kadiri na plus yung description ko pa.


Sabi ni Jed, sa gitna daw, hindi mandidiri pero hindi rin tatanggapin. Kasi ano naman daw ang mapapala niya, bat niya naman daw itatago? Hindi niya maisip kung anong gagawin niya dun, gusto ko ba daw itago niya para maalala niya ako? Akin nalang daw yung dugo ko, ayaw niya raw maalala ang isang tao dahil sa kapirasong tuyong dugo.


Lol. Pero ang totoo wala naman akong pakialam sa sinabi nila. Hindi naman kasi sila ikaw.


Sabi ni Ziji :Ano yan forwarded quote?


Lol.


Bakit ko naman kasi ibibigay ang isang pulang krystal na mabaho at puno ng dugo at gawa sa tutuli at pawis pa? Nakakadiri naman talaga eh. Wala talagang tatanggap nyan.


Ah kaya pala.


Kaya pala ano?


Kaya pala hindi tinatanggap ang puso ko.


Huh?


Wala. Kamukha kasi ng puso ko eh. Hehe.


Sabi ni Jenny, tatanggapin niya raw kung sasali akong Legacy.


Lol.


Malapit na mag SS5, ilang buwan nalang. Pupunta ka kaya? Hinayaan ko na maghilum ang sugat ko sa tenga. Tuyong-tuyo na nga eh, sobra-sobra na ang pagkatuyo na permanente na atang dumikit yung metal na parte ng hilaw sa butas, mukhang paghinugot ko ng todo, mapupunit ang tenga ko. Hehe. Mas lalo na atang kadiri eh. Pero ayos lang, atleast malinis naman at walang nana.


Naalala mo nung nag-online ka at humingi ako ng pabor? At nung sinabi mong ‘yos lang eh naduwag ako at sinabi ko next time nalang?


Siguro hindi mo na naalala pero ako naalala ko. Sabi mo pa nga, AH ok.


Gusto ko lang sana tanungin noon kung tatanggapin mo ba yung pulang krystal kong mabaho.


Siguro titignan mo yung monitor at magtataka ka kung anong pumasok sa kokote at natanong ko yun. O kaya o itatanong mo kung ilan na ang narecruit ko sa Vision o kaya naman maiisip mo lang kung nagmamasturbate ba yung mahinhin na naka-chat mo noon at kung kasing sexy niya yung nasa pornong nakita mo. Siguro maiisip mo yun. Pero malamang hindi.


At sasabihin mo lang: hindi.


[o1.15.2k5 || Ang Madugong Tenga|| Mithi. ] 8