Ang Dugo ko ay Colt45


Hindi naman sa isa akong lasenggo. Kasi una sa lahat, hindi naman ako nalalaseng eh. WAHAHAHAHA. Nakakalima o dalawampu lang akong baso sa isang gabi eh. Ni hindi nga ako naiihi. Yung likido sa sahig, tubig lang yun na natapon. Galing ata sa ulan, butas yung bubong namin eh alam mo ba? Ewan ko lang kung bakit dilaw, global warming ata ang tawag dun o acid rain?


Oo, matinung-matino parin utak ko mag-iilang bote na. Hindi naman ako yung bumaril nang asawa ko eh, nagpakamatay siya mag-isa, gamit ang kamay ko. Saka anong masama kung naka-lips-to-lips ko na lahat ng mga kabarkada ko, lalaki man o babae, bakla tomboy butiki baboy? Hindi pa naman kasi ako nakakasagasa nang pusa. Yun lang naman tanging basehan kung laseng ka o hindi.


Saka nakakapaglakad pa naman ako nang nang maayos, tangina lang kasi yung mga bato sa daan kaya ako muntikan na sumemplang mga tatlong beses. Oo, may mga bato sa sahig namin. Pagnag-iinuman kami ng barkada ako, laging napapanood ko yung pinakahuling tumumba kasi ako lang ang nananatiling hindi wasak. May isa ngang pagkakataon tinulak ako nung isa kong kabarkada tapos umiyak ako kasi ang dami kong sugat eh, tapos lahat sila nagtatawanan lang wala daw sugat. Kasi nga lahat sila may tama na kaya ako lang yung nakakakita nang katototohanan. Yun yung isa pang rason kung bakit ako umiinom, kasi lihim to na walang gaano nakakaalam ah, ang beer ay isang "undiscovered miracle medicine", tamo, biro mo naman konting beer lang pagising ko sa umaga, lahat nang napaka dami kong sugat ay naglaho na parang bula. Oh, ano bilib ka na ba? Ni gasgas walang natira!


Saka, marami pang himala ang nagagawa nang alak. Maaari kang mabuntis ng walang tatay. Sabi sakin dati ng teacher ko sa grade school di raw yun posible, pero tangina, ang daming proeba na nakita ko mismo sa sarili kong mata. Uminom lang yung mga babae ng konti, makalipas ng isang taon nanay na. Alak lang pala ang katapat nang lalaki eh. Wala na pala silang silbi!


Pero may kakaunting side effect nga lang, kasi siguro pagkatapos ng mga pito o walong bote, wag ka na magbubukas nang pc, kasi baka mawasak mo lang ang keyboard mo, kasi alam mo ba, may sariling utak ang kompyuter, programmed ito ni Bill Gates na pag naamoy nang cpu ang amoy nang alak eh, magbabago ang letter configuration ng keyboard mo kaya pag nagtype ka halimbawa nang "mahal na mahal kita sobra" ang lalabas sa pc ay "jkhneqilce AWL wwugrsj". Mababanas ka lang. Kasi akala ng Microsoft Corporation na talunin sila nang Beer Companies pagdating nang panahon. Tanginang napakabobo.


Pero mapili talaga ako sa pinapantoma. Gusto ko yung Colt45 lang. Bulok Red Horse, pati San Mig saka Ginebra. Eh ano naman kung yun yung tama o kaya makakakita ako nang babaeng nagdadragracing sa inuman? Eh ano naman kaya kung makakasayaw ko ang mga babaeng nakabikini sa beach? At alam ko nang alam na bilog ang mundo no, hindi ako tanga.


Wala na akong gatas sa labi. Saka ang astig pag sa bar yung mga malalaki lang ang katawan at malalakas lang ang nakakasalo nang Colt45 paghinagis nang bartender.


Pero hindi naman talaga yun yung tunay na rason kung bakit ako umiinom. Ang babaw ko naman. Pag-ibang beer kasi ang lamya nang tunog nung tanzan pagtumama sa lamesa (yung tunog parang piting piting piting), pero yung tunog nung tanzan nang Colt 45 (ganito yung tunog : PATANG PATANG PATAK TAK PU!) machong-machong saka hindi hamak na mas tigasin pakinggan. Oo, alam kong napakaastig ko, hindi mo na kailangan sabihin yon.


[O6.o1.2k5 || Ang dugo ko ay Colt45 || Mithi. ] 7

AngDugokoayColt45.htm