Ako saka si Friendster.
04.01.04 Ako at ang mga hindi ko kilalang "friends"


Hai. Alam niyo.. . Nakakatawa ang friendster. Ito ay isang malaking nakakatawa.


Ang mga tao, ang hilig mag-add as "friends" dito. Kahit hindi nila kilala okey lang, ang importante marami kang "friends". Friendster lang naman eh. Kinarera ba.


Ta's ang mga ina-add naman. Accept lang ng accept. Friendster lang naman eh. Kahit hindi familiar ang pangalan, basta kaibigan ng kaibigan nila. O kahit total stranger.. Malay mo nga naman long lost brother mo pala. Diba?


Minsan may magpopost sa bulletinboard. Tapos itatanong mo sa sarili mo : Sino nga ba itong gagong 'to?


Hindi ka ba nasusuya? Na hindi mo kilala ang "Friends" mo? Na hindi ka pala nila kilala? Who cares, Friendster lang naman eh. Sa totoong mundo, kahit naman ang nanay mo, hindi mo talaga kilala. Bakit nakakasigurado ka nga ba na sarili mo kilala mo? Hindi rin naman.


Pero ang punto, kahit isang kislap lang naman, sana may ideya sila tungkol sayo. Baka sakaling makakatulong yun sa holistic development mo. EHehehe.


Point is, magpakilala naman keo.


Hai.
Ako si Mithi.
Ako ay isang malaking walalang.
Ang buhay ay isang malaking walalang.
Walalang.



Matagal tagal narin ako sa planetang ito. 14 years to be exact. Pero halos kalahati ng oras natutulog ako. Pagbukas naman ang mata ko, madalas bangag ako. Bangag ako kahit hindi ako nalulon sa bawal na gamot. Sapat na na nalulon ako sa buhay. Ang buhay ay isang malaking droga.


Natutulog ako ng mga alas tres ng umaga at nagigising ako ng mga alas dos ng hapon. Gusto kong magbago, pero mahirap.


Hindi ko alam kung bakit sa ilang testimonials ko sinasabi na maganda ako. Hindi ako yung tipong pagpipilahan ng mga lalaki, yung tipong makapag papaluhod ng businesses para i-endorse sila. Hindi ako yung tipong malalagay sa front cover ng FHM o candy. Or any other page on them for that matter.


Hindi ako maputi. Magulo ang buhok ko, isang minutong hindi suklayin, mukhang binagyo na. Maliit ako, pandak pa. Mapayat din ako. Hindi ako flawless. Madami akong peklat sa binti. Kakadiri no? At higit sa lahat, hindi ako palangiti.


Adik ako sa kantang SO FAR AWAY ng Staind. Mahilig ako sa anime, rock music at intricate henna designs. Meron akong small collection ng tex, soda cans, AA batteries, indie comics, underground cd's at utak ng tao. Kung ayaw mo na nang sayo, akin nalang.


Love ko ang math. Love ko ang mga pusa, Love ko rin ang Adobe Photoshop7.0, techpen ko sa drafting at pati narin ang mga magulang ko. Hindi ako mahilig kumain, pero mahilig ako uminom ng gatas. Lalo na yung vanilla.


Meron akong nunal sa isa sa mga mata ko. Kaliwa o kanan hindi ko alam.


Ihtim ang kaluluwa ko. Madalas akong nakatingala sa hangin. Pagwala akong magawa, pinapakinggan ko yung UNIBERSO. Mabuhey ang tula. At kadalasan nagbabasa ako. libro, komiks, magazin. Billboards,testimonials, flyer, blogs. Lyrics ng kanta, at likod ng VCD's. Kulang nalang utak, pero malapit nako diyan.


Crush ko si Salvador Dali, MC Escher, Einstein, Tyler Durden (Fight Club) at Kurt Cobain. Biro lang. Pero asteegin' sila. Mahilig ako magbike at magswimming dati. Pagtinotopak ako nagbabasag ako ng remote controls. Matakot ka.


Pagtinanong ako sinasabi ko:


Hai, ako si Mithi.


Pero ang totoo, ewan ko.
Ako ay isang malaking ewan.
Ang buhay ay isang malaking ewan.
Ewan.



Ikaw sino ka?


[o4.o1.2k4 || Ako saka si Friendster|| Mithi. ] 8.25


AkosakasiFriendster.htm