A Comparative Analysis between Math and Values.
09.11.o4 values_ed.html


Ang Values Education ay subjective at hindi objective kasi walang tunay na objective sa reality natin ngayon, dahil ang reality mismo ay malabo at subjective. Maari nga nating sabihin na ang reality ay isang ilusyon dahil dito. Oo, nakakatawa pero totoo. Kahit na ang totoo ay kathang-isip lamang. Pagmapapatunayan ko na ang reality ay subjective, napatunayan ko narin therefore, na ang Values education ay hindi objective. So ano nga ba ang reality? Kung ang reality ay kung ano ang nakikita mo, naririnig mo at nararamdaman mo, katulad ng sinabi sa Matrix, kung ito ay kung ano ang tingin mong tama o mali, dapat at hindi dapat, at maganda at hindi maganda eh di ang reality pala ay senyales at paraan lang kung paano gumagana ang utak ng isang tao. E iba-iba rin ang pagana ng utak ng tao, therefore iba-iba rin ang reality depende sa tao. Dahil dito masasabi nating subjective ang reality kasi it varies. At maaari narin nating sabihin na subjective ang values education kasi it varies with reality.


Puwede mong i-reason out na eh-di ang math since part of reality eh di subjective rin. Ang sagot ko dito ay ang math ay isang systema na tinakda na may fundamentals. Pagbinago mo ang fundamentals eh hindi na iyon math na widely-accepted kundi Math na nmaiiapply mo lang sa utak mo. Pero ang Values eh unlike Math na pagbinago mo ang “fundamentals” (kasi hindi naman talaga) you can still make sense to other people kasi ang definition ng values ay hindi katulad ng definition ng Math na malinaw at pare-pareho. Kasi ang definition ng values ay kunseptong nagagabay sa buhay ng tao na pagiging “Mabuti”. Eh dahil iba-iba ang tao iba-iba rin ang definition ng mabuti at iba-iba rin ang paraan para makamit it dahil salamat dahil kahit kaunti, bukas na ang ating lipunan sa bagong ideya. Example, para sa iba katulad sa Christianity, dapat monogamous ang tao, pero sa muslim ok lang diba?


Hindi ito katulad ng Math na standardized ang gamit sa society dahil ang Math ay hindi naman nating tinuturing gabay kundi tinuturing nating isang sistema para malaman natin kung ilan o magkano at ginagamit natin sa pagtatranslate ng kuryente para maintindihan ng computer, sa business, at sa pag-aanalyze at para gumawa ng bahay at kalye at kung anu-ano pa. Maari ko rin itong patunayan sa pamamagitan ng fact na ang pagiging “honest” at pagiging “cheerful” ay hindi consistently nakakabuti o nakakasama. Minsan nakakasakit ka ng tao at alam ko alam mo iyon. Hindi katulad ng 1+ 1 ay laging equal to 10 sa base two o binary system sa Math. Kung sasabihin mo sakin na ang mga hayop ay walang soul na puwedeng pumuntang “langit” o “impierno” kung may langit o impierno ng eh wala ka namang maipapatunay na ganun talaga dahil hindi naman ito accepted sa lahat. Maaring sa Math hindi accepted ang lahat ng kunsepto pero para maka-function ang society mapipilitan kang gamitin ang traditional na kunsepto niyo para makaraos at makikita mo na ganito talaga ang mangyayari tama man o mali ang kunsepto sa Math. Pero kung pupunta ba sa langit ang hayop hindi eh hindi ka naman mapipilitang gamitin ang kunseptong ito para makaraos sa society, tama man ito o mali.


At sana wag niyo rin sabihin na ang VE ay tulad ng angle-clock problems sa Math na wala namang silbe sa totoong buhay, na kasama lang sa curriculum ng pisay para paganahin ang utak mo. Maari nga nila itong gawin pero sana puwede namang paganahin ang utak mo ng gumagamit ng mga walang kakawentang-kuwentang impormasyon ng hindi ka tinuturuan kung paano dapat mag-isip at hindi magisip at puwede ka pag bumagsak sa exam at makickout. Sana wag niyo narinng ipoint-out na ako nga ang nakaperfect sa diagnostic ng values edcutaion exam dahil hinuhulaan ko lang iyon at sinagot ko lang yung mga tingin kong tingin ng teacher ay tama kahit na tingin ko mali yung tingin ng gumawa ng exam. Madali lang naman mabatid kung paano tumatakbo ang utak ng isang ordinaryong Valed Teacher. At sana palitan na ang mga patakaran sa dorm. At inaantok na ako kaya matutulog na ako dapat kasi hindi na ko pinagawa ng extra hw kasi hindi niyo rin naman tatanggapin itong sinulat ko. Walalang. Trip.


[o9.11.2k4||A Comparative Analysis Math and Values|| Mithi.] 8.75


AComparativeAnalysisbetweenMathandValues.htm